PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
TO the rescue ang manager nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na si tita Becky Aguila sa kontrobersiyang lumabas hinggil sa actress at in-laws nito.
Sinuportahan nito ang claim ni Dennis na huwag lagyan ng isyu o malisya ang kanyang asawa at parents.
Nag-ugat kasi ang usapin sa umano’y hindi pagbati ni Jen sa kanyang in-laws noong holiday season. Hindi lang umano ‘yun ang unang beses na ginawa ito ng asawa ni Dennis.
May isyu rin ng umano’y hindi rin gustong pagdalaw o pag-join ni Jen sa mga okasyon with in-laws around.
Dahil diyan, ipinagtanggol ni Dennis ang asawa at nakiusap na huwag gawan ng ganoong balita ang mga ito. Sinegundahan ito ni tita Becky at ipinagmalaking matino, disente, at kilalang-kilala niya ang pagkatao ni Jen simula noong maging alaga niya ito. Na hindi kailanman ganoon ang pagkatao ni Jen at hindi nito magagawa ang mga ibinabatong isyu.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com