Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
prison rape

Sa Marikina
DRIVER ARESTADO SA 8 KASO NG RAPE

NADAKIP ng mga awtoridad sa lungsod ng Marikina ang isang lalaking sangkot sa pangmomolestiya at panggagahasang naganap sa bayan ng Binangonan, lalawigan ng Rizal, nitong Linggo ng umaga, 27 Marso.

Kinilala ni P/Col. Benliner Capili, hepe ng Marikina CPS, ang naarestong suspek na si Rommel dela Cruz, 29 anyos, binata, driver, residente sa Extension St., San Juan, Brgy. Darangan, sa nabanggit na bayan.

Dakong 11:50 am kamakalawa nang dakpin ng mga operatiba ng Warrant Section ang suspek sa kanyang tahanan.

Sa ulat ni P/Maj. Monico Aliado, hepe ng SIDMS, bitbit ng grupo ni P/Maj. Federico Halog, Jr., ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Gay Marie Lubigan-Rafael, ng Antipolo City RTC Branch 73, may petsang 12 Disyembre 2021 para mga kasong Rape, Qualified Rape Through Sexual Assault, Qualified Statutory Rape, at Acts of Lasciviousness.

Ayon sa ulat, matagal nang nagtatago sa batas ang suspek sa nabanggit na lugar matapos isagawa ang krimen. (EDWIN MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …