Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Barbie Imperial, Diego Loyzaga, AJ Raval

Diego iginiit wala silang dapat ipaliwanag ni Barbie

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TINAPOS na ni Diego Loyzaga ang usapin patungkol sa kanyang girlfriend na si Barbie Imperial at AJ Raval nang magpahayag ito sa virtual conference ng kanilang pelikulang Dulo handog ngViva Films na wala siyang dapat sabihin o ipaliwanag sa mga lumalabas na balita ukol sa kanila ng anak ni Jeric Raval.

Aniya, hindi sila ni Barbie ‘yung tipo ng tao na kailangang manira ng ibang tao o magsalita tungkol sa ibang tao para malinis ang kanilang mga pangalan. ”Because there’s nothing that we need to clean in the first place and I wanna leave it at that,” giit ng aktor.

Sinabi pa ng aktor na gusto na lamang niyang maging positive at good vibes.

“I want this to be a positive experience. I want this to be a positive presscon and good vibes lang.

“So, please, let’s not entertain anything else. Let’s leave it at that.”

Samantala, ang real-life couple ang bibida sa latest romance film na Dulo na idinirehe ni Fifth Solomon.

Parehong nasa early 20s nila, si Dex (Diego) at Bianca (Barbie ) nang magkakilala sa isang dating app at ‘di nagtagal ay nag-live-in sila. Parang mabilis ang lahat ng pangyayari sa kanilang relasyon, at isang taon lang pagkatapos nilang ikasal, nanganganib na silang maghiwalay. Sa pag-asang maaayos pa  ang kanilang relasyon, nagdesisyon silang mag-unwind at mag-road trip. Sa kanilang road trip, unti-unting bumalik ang kanilang masasayang alaala. Ngunit kasabay ng pagbalik ng kanilang masasayang alaala, isa-isa ring bumabalik ang mga lumang issues at problema at ‘di nila maiwasang mag-away.  

Sa pelikulang ito, maraming mga first time si Barbie–first movie niya ang Dulo sa Viva Films at ito rin ang first movie project nila ni Diego. Kaya naman sa sobrang excited ni Barbie ipinost niya agad sa Instagram ang movie teaser, kaya naman lalo pang na-excite ang mga DiegsBie fans na makita silang magkasama sa isang pelikula. 

Bukod sa unang movie team-up ang isa pang kaabang-abang sa Dulo ay ang official soundtrack nito na inawit ng The Juans, ang Anghel at Dulo.  Sa music at lyrics ng kanta, mas lalong nagiging heartbreaking ang bawat eksena sa Dulo.

Kaya samahan sina Dex at Bianca sa kanilang road trip, at alamin kung huli na nga ba ang lahat para sa kanilang pagmamahalan. Panoorin ang Dulo sa December 10, streaming online sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East at Europe. Available na rin ang Vivamax sa USA and Canada.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …

Arrest Shabu

Parang kendi lang kung magbenta ng shabu sa kalye, 2 tulak nakalawit

DALAWANG personalidad na kabilang sa isinasangkot sa droga ang naaresto ng mga awtoridad sa ikinasang …