Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bianca Umali, Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres, Legal Wives

Husay bilang aktres ni Bianca pinapurihan

Rated R
ni Rommel Gonzales

SPEAKING of Bianca Umali, hiningan namin ang magandang aktres ng reaksiyon tungkol sa opinyon ng marami na naipakita ni Bianca sa Legal Wives ang husay bilang isang aktres?

“Wala po akong ibang masabi kundi maraming, maraming, maraming salamat po talaga sa lahat. Hindi rin ho kasi naging madali and napakalaki ng proyekto and I was very blessed to have been given the opportunity to be part of this project as the third and youngest wife of Mr. Dennis Trillo.

“And ngayon po na ganito na napapanood po ng mga tao and ang sarap po sa puso na nagustuhan po nila ‘yung palabas namin. Wala ho akong ibang masabi kundi maraming salamat po.”

Pabor si Bianca sa lock in taping na “nauso” simula noong magkaroon ng pandemya.

“Para po sa akin ‘yung naging bagong sistema po kasi ngayon ng pagte-taping ng bawat show mayroon po talagang pros and cons. 

“Pero siguro po sa ngayon masasabi ko na I am for lock in system kasi iba ‘yung focus, iba ‘yung opportunites, ang daming time, the fact na nandoon ka lang, nandoon ka lang sa character mo bilang isang aktor, hawak mo ‘yung oras mo para mag-aral, hawak mo ‘yung oras mo sa lahat.

“And I think even personally, ang daming time para mag-reflect, ang daming time magmuni-muni,” at natawa si Bianca. “And those are some of the things that I really enjoy po kasi personal eh.”

Bukod sa pag-aartista, singer din si Bianca. Kari-release lang ng kanta niyang Itigil Mo Na sa ilalim ng GMA Music nitong September 30. Available ang Itigil Mo Na sa Spotify, YouTube Music, Apple Music, at iba pang digital stores worldwide. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …