Thursday , April 18 2024
Andrea Torres

Andrea nakikipag-date na

Rated R
ni Rommel Gonzales

MATAPOS ang hiwalayan nila ni Derek Ramsay last year, kinompirma ni Andrea Torres na nakikipag-date na siyang muli.

Sa panayam sa kanya ng 24 Oras, umamin ang Legal Wife female lead na lumalabas siya on dates.

“Bago mag-last ECQ, lumalabas-labas na rin ako. Open na ako to meet other people,” pahayag ni Andrea.

Sinabi rin ng dalaga na “nagpahinga” muna siya sa pakikipag-date matapos ang break-up nila ni Derek para na rin sa kanyang kalusugan at kaligtasan laban sa pandemya ng COVID-19.

Ibinahagi rin ang aktres na mahalaga ang pagmu-move on mula sa isang natapos na relasyon.

“ Nanggagaling ’yon sa heart. Choice mo nang i-let go,” sinabi pa ni Andrea.

Hindi na inihayag ni Andrea kung sino ang mapalad na lalaki na nakaka-date niya recently. Malamang, kapag may relasyon na sila ay ipaaalam naman ito ng aktres sa publiko, lalo na sa kanyang mga tagahanga.

About Rommel Gonzales

Check Also

Albie Casino

Albie ‘di makakalimutan mausoleum scene sa isang serye

MA at PAni Rommel Placente KALIWA’T KANAN ang batikos na natanggap ni Albie Casino mula sa bashers …

Alex Santos Ali Sotto

Tambalang Doble A.S. sa Net 25 Primetime kaabang-abang

IPINAKIKILALA ng Net 25 ang bagong mukha ng balitaan sa mundo ng primetime news. Pangungunahan …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Rachel aminadong mas mahirap magpasikat ng kanta ngayon

RATED Rni Rommel Gonzales NATANONG namin si Rachel Alejandro sa kung ano ang malaking pagkakaiba ng music …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …