Friday , March 28 2025
Jennica Garcia, Alwyn Uytingco

Jennica no comment sa posibilidad na pagbabalikan nila ni Alwyn

Rated R
ni Rommel Gonzales

ANIM na buwan  ng hiwalay at patuloy na inaayos nina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco ang kanilang pagsasama.

“Alwyn and I are working on our marriage. We are looking into the Lord for breakthrough,” panimula ni Jennica.

At sa tanong kung possible ang pagbababalikan, simple ang sagot ng aktres, “’Yun na lang muna po,” pakiusap nito.

“Kinakabahan po kasi ako kapag nakikita ko kami sa social media na napag-uusapan.

“As much as I’d like to say that I don’t really care about what other people say, I think in my entire life, ito ‘yung moment sa buhay ko na I’m not really in my best mental state.

“Kaya po I try to keep my answer short. Pasensiya na po kayo.”

Sa Las Hermanas ay nagbabalik-telebisyon si Jennica makalipas ang pitong taon, at amindao itong nahirapan siya.

“Ito kasi ‘yung pinakaunang kontrabida role po na naibigay sa akin. Hindi ko alam, I’m really hoping to get one before when I was actively doing work for GMA. But for some reason, kahit sabihin namin, parang hindi ganoong roles ang naibibigay.

“So ito, masayang-masaya ako na tanggapin siya, but I have to be honest, nahirapan po akong talaga.

“Nahirapan ako kasi bago siya sa akin. Dito ko nalaman na napakahirap palang maging isang kontrabida kompara sa role na parang api ka or ikaw ‘yung underdog.

“Kasi, mabigat ‘yung emotion na kailangang dalhin, and at the same time, ‘yung role ko po kasi is very different from my real personality.

“Siyempre, when we do a new character, we want to offer something new pero hindi maiiwasan na lumalabas pa rin ‘yung tunay na ikaw, right?”

Kabaliktaran ng tunay na Jennica Garcia ang karakter niya sa serye.

“Very loud po kasi siya na babae.

“Pero ang iniisip ko na lang po, kailangan ko talagang paghusayan para makita rin ng mga viewer natin kung ano ang aral if you have that kind of attitude toward others or if you have that personality.

“Kasi minsan, ‘di ba, kapag madali tayong magmata ng ibang tao, mas lalong hindi natin namamalayan na tayo sa sarili natin, ganoon din tayo.

“So, sana marami po silang aral na matutunan.”

Ipalalabas na sa October 25 sa GMA Telebabad ang Las Hermanas na pinagbibidahan nina Yasmien KurdiFaith Da Silva, at Thea Tolentino. Kasama rin dito sina Albert Martinez, Jason AbalosColeen PazMadeleine NicolasMelissa Mendez, Rubi RubiRobert Ortega, at Lucho Ayala.

About Rommel Gonzales

Check Also

Automation Election Law ipinatitigil sa SC

IPINATITIGIL sa Korte Suprema nina social media broadcaster at anti-fake news advocates Atty. Mark Kristopher …

Joyce Cubales

Joyce Cubales, happy sa pagbabalik sa pag-arte

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA si Joyce Cubales sa kanyang muling pagsabak sa pag-arte. Ito’y …

Jojo Mendrez Mark Herras

Jojo Mendrez inutangan daw ng P1-M ni Mark Herras

MA at PAni Rommel Placente IBINUNYAG ng manager ni Jojo Mendrez na  si David Bhowie na umano’y may nahiram …

Shaina Magdayao Gerald Anderson Sins of the Father

Shaina ‘napigil’ ni Gerald pa-Amerika

MA at PAni Rommel Placente PAPUNTA na sanang Amerika si Shaina Magdayao pero biglang nagbago ang desisyon …

Robb Guinto Yen Durano Buboy Tuesday

Robb Guinto at Yen Durano may ‘mainit’ na usapan kina Buboy at Tuesday 

RATED Rni Rommel Gonzales MAINIT pero malaman na chikahan ang aasahan sa newest episode ng Your …