Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julia Barreto, Marco Gumabao, Marco Gallo, Noreen Capili, About Time, Lee Sung-kyung, Lee Sang-yoon
Julia Barreto, Marco Gumabao, Marco Gallo, Noreen Capili, About Time, Lee Sung-kyung, Lee Sang-yoon

Di Na Muli ni Julia ‘di ginaya sa About Time

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

I t’s just coincidental na mayroon kaming character na nakakakita ng life span ng mga tao sa movies na nabanggit ko. Mayroon din silang ganoong element, pero ‘yon ang element lang na nagkakapareho pero magkaiba ‘yung kuwento. I think they should watch our series para makita nila na this is really different,” ito ang diin ng writer ng teleseryeng Di Na Muli na si Noreen Capili na mapapanood sa TV5 simula sa Setyembre 18, Sabado, 8:00 p.m..

Habang on-going ang Di Na Muli zoom mediacon kasi ay nagkaka-chat kami ng mga katoto na tila hawig ang kuwento sa 2018 South Korean fantasy na About Time na kaagad namang itinanggi ng nagsulat.

Pamilya ng manghuhula sina Julia BarrettoAngelu de Leon, Liz Alindogan, at Baron Geisler na kaya tinanggap kaagad ito ng una ay dahil wala pa siyang nagagawang ganitong series.

Ang karakter kasi ni Julia sa Di Na Muli ay nakikita niya ang life span ng mga taong nahahawakan niya ang kamay na ganito rin ang karakter ng bida ng About Time.

Isang aspiring musical actress na may abilidad na makita ang life span ng mga tao ang role ni Lee Sung-kyung sa About Time na maihahalintulad sa karakter ni Julia sa Di Na Muli.

Dagdag pa ni Ms Capili, ”nagkataon lang na nagkapareho ng element na nakikita niya [(Julia) ‘yung life span ng isang tao, pero ‘yung story at pagkakakuwento at ‘yung plots sa serye namin is very, very different from ‘About Time.’ Since lumabas nga ‘yung trailer, maraming nag-comment na hindi lang ‘About Time’ but mayroon ding nag-mention about the Japanese series na ‘Death Note,’ tapos may nag-comment about Justine Timberlake’s movie.”

Anyway, mapapanood ang Di Na Muli tuwing Sabado simula Setyembre 18, 8:00 p.m. sa TV5, Sari Sari sa Cignal TV Ch. 3 at SatLite Ch. 30. Maaari rin itong mapanood Live at On-Demand via Cignal Play app.

Bukod kina Julia, Baron, Liz, at Angelu ay kasama rin sina Marco Gumabao, Marco Gallo, at Andre Yllana mula sa direksiyon ni Andoy Ranay na produced ng Viva Entertertainment for TV5.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …