Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mark Comajes, Sanya Lopez
Mark Comajes, Sanya Lopez

Newbie actor type na type si Sanya

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HANDANG magpa-sexy ang baguhang si Mark Comajes na umiidolo kina Coco Martin at Wowie De Guzman.

Ani Mark, gusto talaga niyang malinya sa action kaya gustong-gusto niyang tularan si Coco. Pero kung magiging daan ng pagsikat niya ay ang tulad ng ginawa ng bida ng FPJ’s Ang Probinsyano, na nagpasexy sa Serbis, okey lang sa kanya.

Nagmula sa Gawi, Oslob Cebu si Mark na bata pa lang ay pangarap nang maging artista. Taong 2018 nagsimula ang kanyang showbiz career na sumali muna sa workshops at auditions noong 2017.

Pinaka­malaking accomplishment na niya ang tanghalin siyang Best Actor sa workshop & final audition ng Artistarz Academy. Naging solo performer din siya at naging ramp model sa mga event pageant ng Artistarz Academy.

At kung papipiliin siya ng gustong makatrabaho, si Sanya Lopez ang gusto niya dahil crush niya ito.

Hindi rin siya magdadalawang-isip kung bigyan siya ng project na pa-sexy lalo’t kapatid niya sa management sa Philmoda Artist Management ni Jojo Veloso si AJ Raval na binabansagan ngayong Queen of Sexy Films.

Ani Mark, handa siyang gawin ang lahat kung kinakailangan.

“Kaya ko pong gawin ang lahat whatever it takes,” anito.

Sa kabilang banda, tiyak na may paghuhugutan si Mark sakaling malinya sa drama dahil hindi niya nagisnan ang kanyang mga magulang na iniwan siya sa kanyang grandparents.

“I became totally independent since 11 yrs old, started working as a  houseboy habang nag-aaral.  And became the bread winner to our family, ang grandparents ko,” ani Mark.

Ilan sa mga TV show na lumabas na si Mark ay sa Ang ProbinsyanoKiller Bride, Kadenang GintoIpaglaban Mo, KMJS Imbestigador, at Tadhana.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …