Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PBB 10
PBB 10

PBB 10 mas malaki at exciting

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

CURIOUS kami kung ano na ang bagong itsura ng Pinoy Big Brother House para sa pagbubukas ng 10th season nila dahil ang tagline nito ay ‘A new community will rise soon’ na ipinost din ni Sam Milby bilang isa sa nagtagumpay na housemate Season 1.

Caption ng aktor sa post niya, ”What’s with the 10, PBB? @pbbabscbntv.

“I can still remember the first time I stepped in your house, Kuya. I found it hard to speak Filipino but I never felt that I didn’t belong. I found a new family inside your house and I’m truly grateful for everything. So I hope everything’s okay, Kuya!”

Magiging malaking subdibisyon kaya ito o mas lalakihan ang bahay dahil pawang adult at teen celebrities ang kasali sa isinasagawang audition ng bagong pangalang Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.

Inanunsiyo ito nina Vice Ganda at dating housemates na sina Ryan Bang at Teen Big Winner Kim Chiu sa It’s Showtime noong Biyernes (Agosto 27).

“Binigyan ako ng task ni Big Brother para sabihin sa lahat na magbubukas na ulit ang bahay ni Kuya para sa Season 10 ng ‘Pinoy Big Brother.’ Naka-10 seasons na pala tayo,” ani Kim.

Sabi rin ni Ryan, ”Sabi nga sa labas ng bahay niya…a new community will rise soon.”  

Sinundan pa ito ng pagpaskil ng numero 10 sa tabi ng gate ng tinaguriang pinakasikat na bahay sa Pilipinas na napansin din ng ilan sa mga dating housemate ni Kuya tulad nina Kim, Gerald AndersonLou Yanong, Maris Racal, Maymay Entrata, Ryan Bang, Sam, at Seth Fedelin.  

Abangan ang iba pang exciting announcement tungkol sa PBB Kumunity Season 10 sa Facebook (@PBBABSCBNTV), Twitter (@PBBABSCBN), at Kumu (@PBBABSCBN). 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …

Carla Abellana diamond engagement ring

Carla ibinandera diamond engagement ring

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “SANA ito na nga,” wish ng fans ni Carla Abellana sa balitang engaged na …