Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kris Aquino
Kris Aquino

Kris ginulo ang netizens sa binating special someone

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

TRENDING na naman si Kris Aquino kung sino ang special na taong binati niya ng happy birthday nitong Agosto 11 na hindi niya pinangalanan at boto raw ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimb.

Umabot na sa 37k likes and hearts, 4k comments at 325 shares sa Facebook page niya at 44.1k likes at 1,576 comments naman sa Instagram and still counting ang ipinost niyang pagbati.

Ang sabi kasi ni Kris, ”Thank you for coming into my life. Happy Birthday!

“I thought long and hard whether to upload this, because I know what kind of speculation I’ll be starting. BUT he really did come when my grief was unbearable; he continues to give me unselfish support & comfort; he’s been around for all my ups and downs, health woes, and tears- plus bimb likes him… most of all he makes me feel taken care of, secure, and SAFE. So he is deserving of this birthday greeting that all of you are now seeing (care bears na kung anong iisipin ninyo) BECAUSE for me he is #special. (emoji heart)”

Hayun, kanya-kanyang hula na ang netizens kung sino ang taong binati ng Queen of All Media, may nag-post din ng larawan ni Erwin Tulfo na kaarawan niya nitong Agosto 10, pero kinontra naman ng iba na Agosto 11 na nang mag-post si Kris.  At higit sa lahat, happily married ang TV host.

Bukod dito, hindi namin nabalitaang nagkaroon ng closeness sina Kris at Erwin, puwede pa siguro ang kuya nitong si Raffy Tulfo, pero kailan lang din sila nagkaroon ng tsikahan noong magkaka-show sana ang una sa TV5.

Anyway, wala kaming maisip kung sino sa mga male personality na naging close ni Kris ang may kaarawan ngayong Agosto 11.

Naaliw kami sa komento ng netizen na si @Michael Yu Full, ”Fashion Pulis, Cristy Fermin, Rappler, et al, you have less than 24 hours to do your job before Kris tells on herself and reveals the guy… so, work, work, work!!”

He, he, kasi kung kilala mo nga naman si Kris ay talagang hindi rin niya mapigilan ang sariling hindi ibuking o banggitin ang pangalan ng taong ito.

Pero sumagot siya sa netizen, ”@Michael Yu Full, No- this time they can do all the guessing but I’m not confirming- because I only need the approval of 2 people, kuya Josh & Bimb. The other one has declared his independence and is living in Tarlac, my bunso likes him so okay na kami at my age it’s about time I’ve learned my lessons- what’s personal should stay private. That’s what makes it #special.”

Ang abogadong malapit sa buhay ngayon ni Kris na si Atty. Gideon Pena ay nag-post ng, ”I’m happy when you are happy.”

Hayun, tinadtad na ang abogado na akala nila ay siya ang binabati ni Kris kasi nga nasa tabi siya nito simula pa lang.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pa ring katapusan ang pagbibigay ng komento ng netizens na isa-isa rin silang sinasagot ni Kris.

Tulad ni @Jeremy Madroñal, ”You deserve to be loved by someone who is enamored with you as a whole person, but who is also willing to see and accept your flaws. Super Happy for you Ms Kris. by the way, I just missed how you say these words. Love…love…love…”

Sagot ni Kris, ”@Jeremy Madroñal not quite sure he is enamored but he’s getting used to my quirks and we are adjusting to the fact we met as fully formed adults with a lifetime of experiences behind us so in many ways, mahaba na ang pasensya namin.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …