Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
AJ Raval Sean de Guzman
AJ Raval Sean de Guzman

AJ ginawang tagabayad-utang ng BF

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

DUMAAN pala sa matinding stress si AJ Raval nang malulong sa sugal ang dating boyfriend niya. Ito ang ipinagtapat ng bida ng Taya kasama si Sean de Guzman na handog ng Viva Films sa isinagawang virtual mediacon kamakailan.

Ani AJ nang matanong kung nasubukan na nilang tumaya o magsugal.

Pag-amin ni AJ, sobra-sobrang sakit ng ulo ang naranasan niya sa dating boyfriend dahil nagkautang-utang ito dahil sa pagsusugal.

Kaya naman gusto niyang mapanood ng dating boyfriend ang kanilang pelikulang Taya na tumatalakay ukol sa sugal. Ito’y ukol sa isang Journalism student (Sean) na nakadiskubre na ang babaeng lagi niyang pinagpapantasyahan ay isa sa mga premyo sa isang online ending na laro. Agad na tumaya at masuwerte namang siya ang nanalo. Ngunit nagkamali siya sa pagtaya, hindi niya napansin na ibang babae ang natayaan. Hanggang sa naadik na siya sa babae na hawak ng sindikato.

“Mayroon akong naging boyfriend na nagsusugal hanggang sa ako na ang nai-stress magbayad sa mga utang niya. Dahil sa sugal, nagkabaon-baon siya sa utang. Ako ang nai-stress na magbayad,” panimulang kuwento ni AJ.

“Kaya gusto kong ipapanood itong ‘Taya’ sa kanya para matutuhan n’ya na ‘wag maging sugapa sa lahat ng bagay. Dahil lahat ng sobra, masama.” 

Samantala nagkabukingan naman sina Sean at AJ nang matanong ang mga ito kung may nagka-develop­man ba sila habang gina­gawa ang Taya na idi­nirehe ni Roman Perez, Jr..

Inamin naman ni Sean na close sila ni AJ at maganda talaga ang rapport nilang da­lawa. 

Pagbu­buking ni AJ kay Sean, ” Siya po, nai-in love na sa akin.” Na agad namang iti­nanggi ng actor.

“Oy, grabe ka! ‘Yan po ang pinalalabas niya na may gusto ako sa kanya,” sambit ni Sean.

“Patay na patay po siya sa akin,” bawi pa ni AJ.

Talagang nakabuo na ng magandang pagtitinginan ang dalawa kaya sabi nga ni Direk Roman, hindi siya nahirapang idirehe ang mga ito lalo na sa maiinit nilang eksena.

Si Roman ang nagdirehe ng erotic-thriller na Adan kaya tiyak na maiinit din ang mga eksenang mapapanood sa Taya. Mapapanood ang Taya sa Aug. 27, streaming sa ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV at Vivamax. 

Available na rin ngayon ang Vivamax sa Hong Kong, Singapore, Malaysia at Japan. Maari na rin magamit ang screen cast to TV feature nito upang mas maging komportable ang inyong panonood sa inyong mga TV screen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …