Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

NUJP ex-chairman sa Capiz patay sa riding-in-tandem (Sa bisperas ng World Press Freedom Day)

AGAD binawian ng buhay ang municipal administrator ng bayan ng Pilar, lalawigan ng Capiz, nang pagba­barilin ng dalawang suspek sa lungsod ng Roxas, nitong Linggo ng hapon, 2 Mayo.

Kinilala ang bikti­mang si John Heredia, 54 anyos, kilalang betera­nong mamama­hayag at dating chairperson ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)  sa naturang lalawigan bago naitalagang municipal administrator ng bayan ng Pilar.

Nabatid, kalalabas ni Heredia sa isang hardware store sa Brgy. Lawa-an at pasakay sa kanyang sasakyan nang paulit-ulit na pinag­babaril ng riding-in-tandem na agad niyang ikinamatay.

Nagsilbi si Heredia bilang executive producer at host ng isang cable television program na “Abri Aga” at nagsulat din para sa mga lokal na peryodiko.

Ayon sa NUJP, dating national director at chairperson ng Capiz chapter si Heredia.

Samantala, kinompir­ma ng maybahay ng bik­tima na si Atty. Criselda Azarcon-Heredia, na nakatatanggap ng mga banta sa kanyang buhay ang kanyang asawa.

Pahayag ng biyuda sa mga mamamahayag sa lungsod ng Roxas, ipinauubaya niya sa pulisya ang imbestiga­syon kaugnay sa pama­maslang sa kanyang asawa.

Napag-alamang nauna nang nakaligtas sa pananambang si Criselda, miyembro ng National Union of People’s Lawyers (NUPL), noong Setyembre 2019 sa bayan ng Sigma, sa parehong lalawigan.

Hindi pa malinaw sa kasalukuyan kung may kaugnayan ang dalawang insidente.

Sa Bicol, sinalakay ng mga pulis ang bahay ng isang campus journalist kahapon ng madaling araw.

Sa pahayag ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), isang araw bago ang World Press Freedom Day, sinalakay ng Philippine National Police – Criminal Investigation  and Detection Group (PNP-CIDG) ang tahanan ng student journalist na kinilalang si Justine Mesias, sa Daraga, Albay.

Nabatid, dakong 4:00 a.m. kahapon, 2 Mayo, 40 elemento ng PNP-CIDG ang sumalakay sa bahay nina Mesias.

Si Mesias ay senior editor ng college publication Cassipi Online ng Bicol University at tagapagsalita ng Youth Act Now Against Tyranny (YANAT) Bicol.

Sa inisyal na impormasyon mula sa College Editors Guild of the Philippines (CEGP), wala si Mesias nang maganap ang insidente.

Halos 20 pulis ang sapilitang pumasok sa tahanan ng mga Mesias at namalagi roon nang halos dalawang oras.

Sinabi ng raiding team, nakakuha sila ng .45 kalibreng baril at umano’y mga pampasabog sa bahay ng student journalist.

Bago mangyari ang pagsalakay, si Mesias ay ini-red-tag ng Masbate City Police Station sa kanilang Facebook page.

Dalawang aktibista pa ang inaresto sa Bicol sa magkahiwalay na insidente kahapon. (KARLA G. OROZCO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Karla Lorena Orozco

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …