Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris payag makipag-date kay Sen Go ‘Wag lang isama si Phillip

NAG-POST si Kris Aquino ng series ng bouquet of  flowers sa kanyang social media accounts. Pero hindi niya binanggit kung kanino galing ang mga iyon.

May mga netizen na nanghuhula na sinasabing galing iyon kay Sen. Bong Go. Na ayon naman sa isang netizen, hindi bagay ang nasabing senador sa Queen of All Media.

Wala raw kasi itong brain at hindi dapat makarelasyon ng isang tulad ni Kris na isang intellectual.

Nang mabasa ni Kris ang comment na ‘yun ay ipinagtanggol niya si Sen.Go. Ilang beses na niya itong naka-encounter at masasabi niyang hardworking, humble, loyal,  at efficient ang senador.

At kung gusto siyang maka-date nito, alam nito kung paano siya mari-reach. Pero huwag lang ga­wing chaperone ang ex niyang si Phillip Salvador na nagkaroon siya ng anak rito, si Josh.

Galit pa rin ba si Kris sa dating action star kaya niya nasabi ito? O nagpapatawa lang siya dahil kaibigan ni Phillip si Sen. Go?

Si Kris lang ang nakaaalam kung ano ang ibig niyang sabihin sa pagda-drag niya ng pangalan ng dating minamahal. Pero alam naman natin na si Kris, magbiro man ay half-meant, ‘di ba?

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …