Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
drugs pot session arrest

7 timbog sa boga at pot session sa Pasig City

ARESTADO ang pito kataong huli sa aktong abala sa pot session matapos inguso ng kanilang kasamahan na hinabol ng mga awtoridad dahil sa baril na nakasukbit sa baywang at tumakbo papasok ng bahay, nitong Linggo ng madaling araw, 21 Pebrero, sa lungsod  Pasig.

Kinilala ang mga nadakip na sina Ronel Collo, alyas Kalbo, 23 anyos; Arnel Octa, 24 anyos; Orlie Arellano, 21 anyos; Trixie Elenzano, 24 anyos; Mark Bryan Daggao, 21 anyos; Efren Merida, 24 anyos; at James Anthony Cellona, alyas Tintin, 33 anyos; pawang mga residente sa San Sebastien HOA, Brgy. Pinagbuhatan, sa naturang lungsod.

Nabatid na dakong 3:30 am kamakalawa, naaktohan ng mga awtoridad na sumisinghot ng hinihinalang shabu ang pitong suspek sa bahay ni alyas Tintin sa Ison St., sa nabanggit na lugar.

Nakompiska mula sa mga suspek ang shabu paraphernalia, ilang transparent plastic sachet ng shabu, apat na aluminum foil na may kasamang shabu residue, dalawang glass tube pipe, dalawang lighter, isang kalibre .38 rebolber, at tatlong bala.

Nauna rito, nakatanggap ng tawag ang mga kagawad ng Pasig City Police Sub-Station 5 na may isang lalaking gumagala sa lugar at armado ng baril.

Agad nagresponde ang pulisya at nang makita ni alyas Kalbo na armado ng baril ang mga awtoridad ay nanakbo papasok sa bahay kung saan nadakip ang mga kasamahan na sumisinghot ng shabu.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 at Section 1, 13 at 14 ng Article II ng RA 9165 ang mga suspek.

(EDWIN MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …