Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Provisional rape charge isinampa vs 11 suspek (Sa pagkamatay ng FA sa Makati hotel)

Flight attendant ‘walang malay’ sa hotel bathtub (Idineklarang DOA sa ospital)

SINAMPAHAN ng Makati City police sa prosecutor’s office nitong Lunes, 4 Enero, ang 11 kalalakihan ng provisional charge of rape with homicide kaugnay sa pagkamatay ng isang flight attendant noong unang araw ng bagong taon.

Matatandaang natagpuang walang malay ang biktimang si Christine Angelica Dacera, 23 anyos, mula lungsod ng General Santos, sa bathtub ng kaniyang kuwarto sa isang hotel sa lungsod ng Makati kung saan siya nagdiwang ng bisperas ng bagong taon kasama ng ilang mga kaibigan.

Idineklarang wala nang buhay si Dacera kalaunan sa pagamutan.

Ayon kay P/Col. Harold Depositar, hepe ng Makati City police, isinampa ang provisional charge of rape with homicide nitong Lunes, 4 Enero, laban sa 11 kataong naka­salamuha ni Dacera at nag-okupa ng dalawang mag­katabing silid sa parehong hotel sa panahon ng kaniyang pagkamatay.

Dagdag ni Depositar, probisyonal ang isinampang kaso dahil hinihintay pa nila ang resulta ng awtopsiya at toxicology report na isusumite ng Makati City police ngayong Martes, 5 Enero.

Nadakip ang tatlo sa 11 suspek habang nakalalaya pa ang walo.

Nabatid na tatlo lamang sa mga suspek ang kaibigan ni Dacera habang ang iba ay kakilala ng kaniyang mga kaibigan.

Ayon kay Depositar, may mga sugat, pasa, at galos ang mga braso at binti ng biktima.

“The victim had lacerations and sperm in her genitalia,” patuloy ni Depositar nang tanungin sa kasong provisional rape with homicide na isinampa laban sa mga suspek.

Ipinaalam ng Makati Medical Center sa Makati City police ang pag­kamatay ni Dacera noong bagong taon.

Dinala si Dacera ng tatlong kaibigan kasama ang staff ng hotel sa pagamutan matapos matag­puang walang ma­lay sa bathtub ng kaniyang silid. (KARLA OROZ­CO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Karla Lorena Orozco

Check Also

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …

Tagaytay Midlands Golf Club President’s Cup BingoPlus FEAT

Tagaytay Midlands Golf Club hosts the Annual President’s Cup presented by BingoPlus

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, sponsored the annual President’s Cup, which celebrated the …

Bulacan Sineliksik Met

Bulacan WWII docu films take spotlight at ‘Kasaysayan sa MET’

CITY OF MALOLOS — In commemoration of the 80th anniversary of the Philippine liberation from …