Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

4 golden ladies timbog sa droga (Sa Marikina City)

ARESTADO sa mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Marikina city police ang apat na matandang babae sa ilegal na droga kabilang ang dalawang huli sa aktong sumisinghot ng shabu, nitong Lunes ng gabi, 31 Agosto, sa lungsod ng Marikina.

 

Kinilala ni P/Capt. Fernildo de Castro, hepe ng SDEU, ang mga nadakip na sina Emma de Leon, 55 anyos; Teresita de Leon, 56 anyos; Lolita de Leon, 58 anyos; at Edna Matsuda, 56 anyos, pawang mga nakatira sa #111 Dela Paz St., Barangay San Roque, sa naturang lungsod.

 

Dakong 9:00 pm nang isinagawa ang buy bust operation ng mga awtoridad sa bahay ng mga naarestong suspek, dalawa sa kanila ay huli sa aktong abala sa pagsinghot ng droga.

 

Nakuha mula sa mga suspek ang siyam na small plastic sachet, aluminum foil, timbangan, aluminum foil strip na may bahid pa ng hinihinalang shabu, improvised na tooter, gunting, mga plastic bag, cellphone, at P900.00, at buy bust money.

 

Ayon sa pulisya, tinatayang 18 gramo ng droga ang nasamsam mula sa mga suspek na nagkakahalaga ng P122,400.

 

Nakapiit na ang apat na suspek sa detention cell habang ang mga ebidensiya ay dinala sa crime laboratory para sa chemical analysis. (EDWIN MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …