Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Motalban Rodriguez Rizal

COVID-19 positive sa Montalban umakyat sa 71

LOMOBO sa 71 ang kompirmadong kaso ng COVID-19 sa anim na barangay sa bayan ng Montalban, sa lalawigan ng Rizal.

 

Ayon sa datos ng local health office, 32 sa Barangay San Jose, 20 sa Barangay San Isidro, lima sa Barangay San Rafael, siyam sa Barangay Burgos, tatlo sa Barangay Manggahan, at dalawa sa Barangay Balite ang positibo sa naturang sakit.

 

Sa nabanggit na ulat, lima ang bagong mga kaso, 28 ang aktibo, at 38 ang nakarekober na sa pandemya.

 

Samantala, nanatili sa pito ang pumanaw dahil sa COVID-19, habang 20 ang suspected cases, anim ang cleared probable cases, 12 ang probable cases, at 82 cleared suspected cases.

 

Nabatid, lima sa naitalang positibo sa sakit, dalawa ang frontliner na doktor, dalawa ang close contact ng isang pasyente, at isa ang nagtatrabaho sa labas ng naturang bayan.

 

Ayon sa municipal health office, ang mga nabanggit ay kasalukuyang nagpapagaling at tuloy umano ang isinasagawang contact tracing sa kanilang mga nakasalamuha. (EDWIN MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …