IPINAG-UTOS ng lokal na pamahalaan ng Mandaluyong na isailalim sa rapid test ang lahat ng vendors sa mga pamilihan upang matiyak na ligtas ang mga mamimili sa buong lungsod.
Ayon sa ulat, inatasan ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos ang city health office na agad magsagawa ng rapid test sa mga market vendor sa Barangay Barangka Drive.
Inilabas ang kautusan ng alkalde upang masiguro ang kalusugan ng mga mamimili at mga vendor sa panahon ng pag-iral ng MECQ.
Matatandaang kamakailan ay dalawang barangay ng lungsod ang inilagay sa total lockdown dahil na rin sa paglobo ng bilang ng kaso ng COVID-19 kaya doble-higpit ang lungsod sa pagpapatupad ng curfew at pagsuot ng mga face mask. (EDWIN MORENO)