Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
road traffic accident

Jeep, truck nagbanggaan… Contractor, estudyante patay, 18 sugatan

DALAWANG pasahero ang namatay habang 18 iba pa ang sugatan nang bumangga ang kanilang sasakyan sa hulihang bahagi ng nakaparadang truck kamakalawa ng gabi, 4 Marso, sa Marcos Highway, Barangay dela Paz, sa lungsod ng Pasig.

Kinilala ang dalawang namatay na sina Joseph Andaya, 45 anyos, contractor, residente sa lungsod ng Caloocan; at Jenny Ann Colinares, 21 anyos, estudyante, nakatira sa lungsod ng Pasig.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong 11:25 pm, sakay ang 20 pasahero ng jeep, may plakang TVJ 443 patungong Cubao at minamaneho ni Jay-r Labitag nang sumalpok sa nakaparadang dump truck na minamaneho ni Crisanto Salvador, 41 anyos, sa Marcos Highway, sa harap ng Ayala Mall Feliz, sa lungsod ng Pasig.

Nabatid mula sa mga awtoridad na mabilis ang takbo ng jeep at sa lakas ng pagbangga ay nasaktan ang mga pasahero.

Namatay ang dalawang biktima sa Amang Rodriguez Medical Center habang kasalukuyang ginagamot ang 18 iba pa.

Kapwa hawak ng pulisya ang driver ng jeep at truck na posible umanong maharap sa kasong double homicide at multiple physical injuries. (EDWIN MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …