Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sinibak sa San Juan mall… Sekyu nag-amok, hepe sugatan, 50 hostage

SUGATAN ang hepe ng security force habang 50 iba pa ang ginamit na hostage ng isang guwardiya na tinanggal sa trabaho sa loob ng isang mall sa Greenhills, sa lungsod ng San Juan, kahapon, 2 Marso.

Kinilala ni P/Capt. Georel Calipusan ng San Juan PNP ang nabaril na hepe ng mga security guard na si Ronald Velita, at ang suspek na si SG Archie Paray, na habang isinusulat ang balitang ito’y hawak ang 50 hostage sa loob ng Virra Mall, sa naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong 11:22 am nang mag-amok ang suspek dahil sa hindi umano pantay na pagtrato ng naturang mall.

Samantala, inilagay sa lockdown ng pulisya ang Greenhills area at inabisohan ang publiko na umiwas muna sa lugar para sa kanilang kaligtasan.

Umapela si San Juan City Mayor Francis Zamora sa suspek na sumuko at palayain ang mga hostage victim.

Nabatid na tinanggal sa kaniyang trabaho si Paray at humihiling na makausap ang kaniyang dating mga katrabaho sa pamamagitan ng video call.

“AWOL (absent without leave) siya. Ilang linggo na rin hindi pumapasok. So, mukhang mayroong issue siguro ito patungkol sa kanyang trabaho bilang guwardiya but tinitinginan pa natin,” sabi ng alkalde.

Dagdag ni Zamora, niyayaya ni Paray ang kaniyang mga dating katrabaho na sumama sa kaniya ngunit wala ni isa sa kanila ang nagpaunlak.

“Masama ang kanyang loob sapagkat siya’y tinanggal bilang guwardiya at nagdesisyon siyang magpunta rito sa shopping center,” ani Zamora.

(EDWIN MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …