Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rodrigo Dutete Bong Go
Rodrigo Dutete Bong Go

Digong pursigido sa Senate bid ni SAP Bong

PURSIGIDO si Pangu­long Rodrigo Duterte na suportahan ang pagtakbo ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa 2019 sena­torial election.

Sinabi ni Go, kahit tiyak ang ayuda ni Pa­ngu­long Duterte ay tinitimbang pa niya ang situwasyon kung itutuloy ang politikal na karera sa Senado.

Ipinauubaya ni Go kay Pangulong Duterte kung sino ang itatalagang kapalit niya sakaling maghahain nga siya ng kandidatura.

Ani Go, marami na­mang magagaling at mahuhusay na maaaring italagang kapalit niya sa puwesto ngunit nasa pangulo pa rin ang desisyon.

Mas mataas aniya ang posibilidad na mag­hain siya ng kandidatura sa pagka-senador kaysa mga nakalipas na linggo.

Sinabi ni Go, maaa­ring sa huling araw ng paghahain ng COC ay malalaman ang kanyang desisyon.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …