Monday , December 8 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo Aga Muhlach First Love

Aga, naiyak habang nagda-dub ng First Love

HINDI itinago ni Aga Muhlach ang paghanga niya kay Bea Alonzo. Galing na galing siya sa aktres kaya naman pinangarap din niyang makatrabaho ito.

Sa Media Day ng First Love na idinirehe ni Paul Soriano at mapapanood na sa October 17 naikuwento ni Aga na umiyak siya habang nagda-dub.

Aniya, Lagi niyang nilu-look forward na makita si Bea sa araw-araw. “It’s crazy, parang you always wan’t to see her. And sabi ko nga sa kanya, ‘ang galing mo.’”

Dagdag pa ni Aga, “It’s really magic. Lagi kong sinasabi na it’s really magic. When I dubbed this film, i’ve dubbed a few scenes, i have to stop at some point and said, ‘i don’t wanna dub anymore’ because I cannot do that. It’s so real. Hindi ko kayang ulitin ‘yan.’ And I have to post it on my Facebook account which is very private and I have to asked my friends who are not into industry, I said to them to watch this movie to experience what we experienced in doing this film, and our journey, that’s crazy in Vancouver.”

Patuloy pang kuwento ni Aga, “nagda-dub kami first night kong makikita ang mga eksena, ‘yung unang voice over ko pa lang may back ground music ako, umiiyak ako, sabi ko sandali-sandali, lumabas ako at sinabi ko na, ‘panood nga muna.’ 

At habang nanonood ako, hindi ko kayang lokohin ang sarili ko parang teka unang eksena, hindi pa ito ang istorya, I was like talagang umiiyak na ako. Alam ko mayroong mga eksenang matutuwa ka, kikiligin ka, sasaya ka. ‘Yung kilig na it’s just so tender.

“And I said, ‘wow!’

“Natakot nga akong mag-dub. Parang i can’t touch, I can’t do that again. Parang save the sound please, ganoon.

This excitement is what I want to share to everyone. We just have fun doing this. It was nice, hindi namin kayo lolokohin. Hindi namin kayo tinipid. We give our best in this movie.”

Ang First Love ay handog ng Ten17P, Star Cinema, at Viva Films.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


Adrian, na-pressure nang malamang premium actor ang mga binibigyang proyekto ng Dreamscape Entertainment Inc.
Adrian, na-pressure nang malamang premium actor ang mga binibigyang proyekto ng Dreamscape Entertainment Inc.
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …