Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carlo Aquino Angelica Panganiban Exes Baggage
Carlo Aquino Angelica Panganiban Exes Baggage

Angelica, naiyak sa reaction ng tao sa teaser

AGAD namang sumang-ayon kapwa sina Angelica at Carlo nang ialok sa kanila ang pelikula. Actually, kapwa sila excited na makatrabaho ang isa’t isa.

“Parang ano ‘yan eh, ‘ano ba ‘yung kailangan mong i-prove bakit gusto mo siyang makatrabaho?,” ani Angelica. “Gusto ko talagang makagawa kami ng pelikula,” sambit pa ng magaling na aktres.

“‘Yung minsan nag-uusap kami, may mga pelikula kaming konsepto na ibinabato, iniisip, siya ganoon din.

“So, alam mo ‘yun kung may pera lang kami, ginawa na namin, pero once pala na andyan na, umoo ka na excited ka, kapag may call time ka na, wow! Grabe! Ito na talaga!”

Kuwento naman ni Carlo na, “Noong nagpi-pitch-in nga sa amin ‘yung iba-ibang ano (tao), lagi akong napapaisip na…nangyayari talaga ito. Itutuloy na ito. Hanggang noong first day, andito na o, magsisimula na ang pelikula namin.”

“Ako noong una,” ani Angelica, “noong may mga unang nag-text sa akin about sa teaser (na ipinakita sa pelikula nina Julia Barretto at Joshua Garcia), teaser pa lang grabe na ang reaction ng tao.

“Actually naiyak ako talaga,” giit ni Angelica. “Noong umiiyak ako talagang out of happiness. Hindi ko alam kung bakit… parang sobrang happy ko lang para sa kanya (Carlo).

“Sobra lang, parang sa kanya lang talaga ang iniisip ko. ‘Yun naman talaga ang kinalabasan, ‘yun naman ang nabuo sa lahat ng takot and doubts na mayroon kami.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


Carlo at Angelica, pag-asa ng mga umaasa
Carlo at Angelica, pag-asa ng mga umaasa
Direk Topel Lee, na-miss ang paggawa ng comedy
Direk Topel Lee, na-miss ang paggawa ng comedy
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …