Tuesday , October 19 2021
Hintayan ng Langit Eddie Garcia Juan Miguel Severo Gina Pareno Dan Villegas.jpg
Hintayan ng Langit Eddie Garcia Juan Miguel Severo Gina Pareno Dan Villegas.jpg

Hintayan ng Langit, binili ng Globe Studios

Isa kami sa natuwa nang bilhin ng Globe Studios ang pelikulang Hintayan ng Langit na mapapanood na sa Miyerkoles, Nobyembre 21 mula sa direksiyon ni Dan Villegas na isa rin sa producer para sa movie production na Project 8 Corner San Joaquin Projects katuwang ang kasintahang si direk Antoinette Jadaone.

Ang Hintayan ng Langit ang isa sa ipinalabas sa nakaraang QCinema Film Festival nitong Oktubre 21-30 pero marami ang hindi nakapanood  dahil ipinalabas ito sa limitadong sinehan at napasabay pa sa malalaking pelikula.

Nagustuhan ni direk Dan ang kuwento ng Hintayan ng Langit mula sa one-act play na isinulat ng spoken word artist na si Juan Miguel Severo tungkol sa ex-lovers na pareho nang patay at hinihintay nila kung kailan sila puwedeng umakyat sa langit.

Si Gina ay nasa purgatoryo at si Eddie naman ay kamamatay lang at ipinakita ni direk Dan ang kanilang back-story noong buhay pa at nitong mga patay na sila.

Nanalong Best Actor si Eddie at nakakuha rin ng Audience Choice award ang Hintayan ng Langit sa QCinema filmfestival.

Kuwento ni direk Quark Henares na head ng Globe Studios, “When I first read the ‘Hintayan sa Langit’ script for QCinema, I couldn’t put it down. When I handed it to our producers, they felt the same way. This is a film Globe Studios had to do, and I’m so proud and happy we’re giving everyone a chance to see it nationwide. It’s different. It’s touching. It stays with you. Hope you can all catch it in theaters.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Gina, tiwala kay Coco na makakayanan ang kinakaharap na isyu ng Ang Probinsyano

Gina, tiwala kay Coco na makakayanan ang kinakaharap na isyu ng Ang Probinsyano

About Reggee Bonoan

Check Also

Mother Lily Monteverde, Regal

Mother Lily may panawagan — Let us help save our movies, our theaters, our entertainment industry

I-FLEXni Jun Nardo OPTIMISTIC ang Regal producer na si Mother Lily Monteverde na maka-”bounce back and become better!” Bahagi …

Vilma Santos thumbs up

Ate Vi dinudumog na ng mga produ

HATAWANni Ed de Leon MASYADONG busy na naman ang mga communication line ni Ate Vi (Congw. Vilma Santos) …

Janine Gutierrez

Janine Gutierrez itinanggi basang kili-kili tweet; BBM supporters kuyog

FACT SHEETni Reggee Bonoan MARIING itinanggi ni Janine Gutierrez ang umano’y viral tweet niya na pinansin …

Alfred Vargas, PM Vargas

Ngiting Artista Program nina Alfred at PM mala-Shaina, Julia smile

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NOON pa man palangiti na si Alfred Vargas. Hindi nga namin …

Blind Item Corner

Panloloko ni actor nabisto ni showbiz gay

ANG akala ng male starlet ay totoong baliw na baliw na sa kanya ang showbiz gay. Ang balak lang …

Leave a Reply