Saturday , November 23 2024

Direk Joyce, pinuri si Sarah: Kakaiba siya, matutulala ka talaga sa kanya

READ: It’s incredible to be next to Popstar Princess — James to Sarah
READ: The Lease, maipalalabas na; Producer, nagka-trauma

MARAMI na ang humanga sa ganda ng trailier ng pinakabagong handog na pelikula ng Viva Films, ang Pinoy adaption ng South Korean blockbuster hit, ang Miss Granny.

Kung na-inlove at nagustuhan na ito ng viewers, ganoon din ang Pop Royalty na si Sarah Geronimo na pinakabida at ginagampanan ang karakter ni Audrey, ang pinabatang karakter ng 70-anyos na si Fely (Nova Villa).

Kinailangang baguhin ni Sarah ang hitsura niya para umakma sa panahon ng isang pensyonadang lola na bumalik sa edad 20 matapos magpalitratas a isang magical photo studio.

“In love na in love po ako sa fashion ng ‘Grany’, anang dalaga na bumili pa pala ng mga damit na ganoon ang estilo. ”Walang masyadpng ipinakikita, pero sexy at disente, ang ganda-ganda talaga,” masayang kuwento pa ng aktres.

Nasabi pa ng Pop Royalty na close to home ang Miss Granny sa kanya dahil pareho silang music lover at makapamilya.

“Na-enjoy ko po ang journey ko sa paggawa ng pelikula dahil family oriented—tungkol sa mag-ina, mag-lola, at singer pa. Parang kaunti na lang, maniniwala na ako na ako si Miss Granny,” giit pa ng aktres.

Pinuri rin ng dalaga ang kanilang director na si Bb. Joyce Bernal dahil magaan itong katrabaho. Kasama niya si direk Bernal na nagtungo sa  Home for the Aged para mas makuha o maaral ni Sarah ang tamang pag-arte ng isang may edad na.

Kuwento ni Sarah, nakaramdam siya ng lungkot nang magtungo sila roon dahil nakita niya iyon sa mga mata ng matatanda.

“Kahit sinasabi nila na okey sila, maayos ang kalagayan nila roon, may mga activity silang ginagawa, kumakain sa ganitong oras, nakikita ko pa rin ang lungkot sa kanilang mga mata,” kuwento pa ng dalaga.

Ibinuking naman ni Sarah na si Nova ang pinaka-peg niya sa pagganap sa karakter ni Audrey.  Mula sa depth nito, pagsasalita, paggalaw, hanggang sa facial expression. At sinubukan niyang ilapit ang sarili na hindi nawawala ang sariling marka.

Nagawa namang mabuti ni Sarah kaya naman sobra-sobra ang pasasalamat niya sa kanilang director na si Bb. Joyce.

Bumuwelta naman si Bb. Joyce at sinabing kakaibang Sarah ang nakita niya sa pelikula dahil kapag humarap na ito sa tao’t kamera, tiyak na matutulala ka.

Bukod sa retro na mga damit, ayos ng buhok at make-up, retro rin ang ilang kanta na kasama sa original soundtrack ng Miss Granny. Ilan dito ay ang Kiss Me Kiss Me, Rain, at Forbidden Love.

Mapapanood na ang Miss Granny Agosto 22.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto

Negros Occidental katuwang na ng MTRCB tungo sa Responsableng Panonood

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MATAGUMPAY na idinaos ng Movie and Television Review and Classification …

Arjo Atayde Maine Mendoza Topakk

Arjo itotodo ang lakas sa Topakk

RATED Rni Rommel Gonzales KUNG abalang-abala si Arjo Atayde bilang isang mahusay na aktor at masipag na …

Vilma Santos Aga Muhlach Uninvited

Aga personal choice ni Vilma, magsosolian ng kandila kung ‘di tinanggap

MA at PAni Rommel Placente SPEAKING of Vilma Santos, sinabi  ng  Star For All Seasons na hindi naging …

Nadine Lustre Vilma Santos Aga Muhlach

Nadine sa pakikipagtrabaho kina Vilma at Aga — An oppurtunity of a lifetime

MA at PAni Rommel Placente ISA si Nadine Lustre sa mga bida sa pelikulang Uninvited ng Mentorque Productions. Gumaganap siya rito …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Aktres naunahan ni choreographer kay matinee idol

ni Ed de Leon UMAMIN daw ang isang dating matinee idol na noong araw na nagsisimula pa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *