Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, matapang na sinagot ang isang netizen — Sariling pera ko ang ginamit ko sa pagtulong

READ: CJ, binigyan ng 2nd chance ni Coco, mapapanood na sa FPJAP
READ: The Day After Valentines, nangunguna sa PPP 2018

INAASAHAN na namin na bibigyang kulay ang ginawang pagtulong ni Kris Aquino kamakailan sa mga naapektuha ng pagbaha.

At hindi nga kami nagkamali dahil isang netizen ang nagkomento sa post ni Kris ukol sa ginawa niyang pagbibigay-tulong sa H Bautista Elementary School sa Marikina.

At kung hindi kami nagkakamali, ito iyong kuwento ng isang kasamahan namin noong araw na iyon na hindi napigil si Kris na isagawa ang pamimigay ng relief goods kahit mababa pa ang BP at pinagsabihan ng doktor na magpahinga.

Katwiran kasi ni Kris, napaka-bless nilang mag-iina kaya gusto niya ring ibahagi iyon sa mga nasalanta ng pagbaha.

Kaya naman hindi rin ako magtataka kung sinagot ni Kris ang bintang na publicity stunt at may bahid-politika ang ginawang pagtulong.

Anang netizen: “Just a photo op…” Na sinagot naman ni Tetay ng, “I refuse to be judged & bullied in my territory. Very politely let me say: GET OUT. Kung gusto mo kong siraan have the decency to do it in your own feed. #laban #notobullying”

May sinabi pa si Kris na wala siyang pakialam kung bigyan ng malisya ang pagkakawanggawa niya dahil sariling pera ang kanyang ginamit sa pagtulong.

Care ko—hard earned money ko po ang pinambili ng dinala naming—I wanted to just express my gratitude for all our blessings. My sons & I wouldn’t have what we have kung di dahil sa love ng mga tao.”

May netizen ding nagsabi sa kanya na tumakbo siya bilang senador na sinagot niya ng, “mas okay nang magtrabaho ng marangal at palaguin ang mga negosyo namin para yung pagtulong hindi na pagdududahan pa.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …