Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ria at Arjo, magbabakbakan sa MMFF 2018

READ: Kristine, limang taon nang may offer sa Star Creatives

EXCITED na si Ria Atayde sa nalalapit niyang taping sa Halik dahil maganda ang papel niya bilang trusted employee ni Jericho Rosales.

Kasama si Ria at hindi binanggit sa amin kung pang ilang week siya lalantad at ito rin ang dahilan kung bakit hindi kasama ang pangalan niya sa press release dahil matagal pa lilitaw ang karakter niya.

Pero bago mag-taping ng Halik si Ria ay may out of the country project sila ni Enchong Dee sa Hongkong na ngayong araw ang alis at tatagal  ng isang linggo at ayaw ding sabihin ng dalaga kung ano ito dahil bawal base sa kontratang pinirmahan niya kasama ang management company niyang Star Magic.

Ay, kasama rin pala ang aktres sa pelikulang The Hows of Us na pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo bilang bestfriend ni Kath na mapapanood na sa Agosto 29 mula sa direksiyon ni Cathy Garcia Molina for Star Cinema.

Dahil din sa Hongkong project kaya hindi makakasama si Ria sa nalalapit na presscon ng The Hows of Us ngayong linggo.

At heto pa, isa pang looking forward ni Ria ay first time niyang mapapasama sa pelikulang kasama sa 2018 Metro Manila Film Festival, ang Girl in the Orange Dress under  Quantum Films na pinagbibidahan nina Jessy Mendiola at Jericho Rosales na ididirehe ni Jay Abello na siya ring direktor ng Pinay Beauty na kasama sa 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino.

Kaya pala payat na ngayon ang aktres dahil kaliwa’t kanan ang projects niya bukod pa ‘yung online TV series na kasalukuyang tine-tape niya.

Nakatutuwa ang mga nangyayari sa magkapatid na Arjo Atayde at Ria dahil pareho silang may pelikula sa MMFF, kasama ang aktor sa pelikula nina Vic Sotto at Coco Martin na Popoy en Jack: The Puliscredibles.

Anyway, nakita namin ang post ni Sylvia Sanchez kahapon na magkakasama silang pamilya sa kuwarto ng bunsong anak na si Xavi na maysakit.

Ganito talaga ang pamilya Atayde na kahit mga busy, ‘pag araw ng Linggo ay inilalaan talaga nila ito bilang Family Day.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …