Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam, ‘di na GF ang hanap, asawa na!

HINDI halos makapagsalita si Sam Milby nang aminin niya sa presscon ng Ang Pambansang Third Wheel kahapon sa Le Reve Events Place na crush at type talaga niya si Yassi Pressman na katabi niya.

Ani Sam, nagustuhan niya kay Yassi ang, ”sobrang goofy, extrovert and I like that. She’s full of energy. Attracted ako sa kanya (sabay tingin kay Yassi), na-attract ako sa ‘yo. Nakita ko siya sa MMFF at may ginawa siyang movie at (naging) crush ko siya.”

Type pala, bakit hindi pa niya ligawan ang dalaga, ”ha, ha, ha awkward,” pabulong nitong banggit. Parang on the spot, ano ba ‘tong ginagawa ko. First of all, in terms of Yassi, she’s my type, but as of now, (kaka-break lang nila ng girlfriend niya), so I have to be ready before getting into another relationship.

“I may sounds cliché but, it’s true. I’m happy where I am right now, because I’m doing a lot of personal growth, so I’m not trying to make as an excuse sa tanong ninyo, but that’s’ the truth.”

Inamin din ni Sam na hindi na girlfriend ang hinahanap niya.

“I’m not looking for a girlfriend right now, I’m looking for a wife, permanent. I’m turning 34 now. Ayoko ng mag-waste ng time, kung sinuman ‘yung next, dapat siya na talaga,” pagtatapat nito.

At dahil pribadong tao ang ex-girlfriend ni Sam kaya ayaw na niyang magkuwento kung bakit nauwi sa wala ang dalawang taon nilang relasyon.

Madali namang nakapag-move-on si Sam dahil, ”I’m with good friends now and I’m into motorcycle, nakakawala ng stress, travel around a lot more. I don’t want to sound too spiritually but, I’m found the great church, I’m getting disciple and I’m working my relation to God.”

Mapapanood ang Ang Pambansang Third Wheel sa Marso 7 mula sa direksiyon ni Ivan Andrew  Payawal mula sa Viva Films at line produce naman ng IdeaFirst Company.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …