Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dengue vaccine Dengvaxia money

No evidence vs Dengvaxia (Sa pagkamatay ng mga bata ) — PAO

INAMIN nina Public Attorney’s Office (PAO) chief, Atty. Persida Acosta at forensics consultant Dr. Erwin Erfe sa pagpapatuloy ng pagdinig sa House Committee on Health, na wala silang sapat na katibayan na Dengvaxia ang sanhi ng pagkamatay ng ilang mga bata lalo na ang may sakit na dengue.

Ang pag-amin ay ginawa mismo ng dalawa sa pagtatanong ni Muntinlupa Congressman Ruffy Biazon.

Magugunitang sina Acosta at Erfe ang naunanag nagbunyag sa publiko sa pamamagitan ng media, na ang Dengvaxia ang sanhi ng pagkamatay ng mga bata.

Dahil dito nabigo ang PAO na makombinsi si Biazon na tatayo ang kasong isasampa laban sa ilang indibiduwal na nagpatupad ng bakuna noon pang 2016 sa pangunguna ng Department of Health (DOH).

Inamin ni Biazon na kanyang tinanong sa PAO upang malaman ang kahihinatnan ng kasong class suit  na isasampa ng PAO anomang oras laban sa ilang indibiduwal.

“Kailangan may matibay kayong kaso kasi baka naman sa kalaunan mabalewala ang lahat at kaawa-awa naman ang mga sinasabing biktima,” ani Biazon.

Hindi rin naitago ni Acosta ang pag-amin na hindi isang certified pathologist Erfe.

   (NIÑO ACLAN)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …