Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Lloyd Cruz Ellen Adarna Kiss
John Lloyd Cruz Ellen Adarna Kiss

John Lloyd, iiwan na rin ang IG (susunod kay Ellen)

ABA, parang handa nang malaos si Ellen Adarna! Itinigil n’ya sa mismong Valentine’s Day ang Instagram n’ya!

Kundi na siya mag-i-Instagram, paano siya mananatili sa kamalayan ng madla na sabik libangin ang mga sarili nila tungkol sa anumang kaganapan sa buhay ng mga artista at iba pang showbiz idols?

O balak ba n’yang isawsaw na lang ang sarili n’ya sa mga post ng naakit at mistulang “naibilanggo” n’ya sa buhay na si John Lloyd Cruz?

O pati ba ang dating napaka-popular na aktor ay ititigil na rin ang pag-i-Instagram n’ya?

Aba, pareho na silang malalaos n’yan! Wala na rin namang showbiz project ang aktor dahil indefinitely suspended siya ng Star Magic. Nagsimula ang suspension n’ya noong bumuntot-buntot na siya kay Ellen at nag-post siya sa Instagram ng mga litratong mukhang lasing na lasing siya.

Pareho sila ni Ellen na may reputasyong mahilig sa alak.

Pero posibleng ang dahilan ng ‘di muna pagpapakita ni Ellen sa Instagram ay para ikubli pa rin ang pagbubuntis n’ya. Maaaring totoo na may endorsement contract siyang nilalabag sa pagdadalantao n’ya.

Oo nga pala, @maria.elena.adarna ang Instagram ni Ellen at @ekomsi naman ang kay John Lloyd.

(DANNY VIBAS)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …