Tuesday , October 26 2021
Paolo Contis John Lloyd Cruz
Paolo Contis John Lloyd Cruz

Paolo Contis, pantapat kay John Lloyd

POSITIBO ang lahat ng reaksiyon ng mga nanood ng Through Night and Day premiere night noong Lunes na pinagbibidahan nina Paolo Contis at Alessandra de Rossi.

Kung anong grabe ng tawanan, siya rin namang hindi mapigil ang ‘di maluha sa bandang hulihan ng pelikula.

Ang Through Night and Day na handog ng Viva Films at OctoArts Films ay unang pelikulang ginawa ni Paolo pagkaraan ng maraming taong ‘di niya paggawa ng pelikula. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataong naging leading man siya sa isang love story. Gayunman, hindi naman makukuwestiyon ang galing ni Paolo sa pagkokomedya at pagdadrama.

May nagsabi ngang, may katapat na si John Lloyd Cruz sa mga ganitong tema ng pelikula, si Paolo dahil sa tuloy-tuloy na pag-agos ng luha niya.

Si Alessandra naman na ngayo’y isa na ring producer ay hindi rin matatawaran ang galing sa paggawa ng mga ganitong klase ng pelikula lalo’t nasubok na nang mag-hit ang Kita Kita.

Natural na lumabas ang chemistry ng dalawa kaya hindi pilit na gumanap silang magdyowa. Kasi naman, matagal na rin ang pagkakaibigan nila at madalas na ring magkatrabaho. Kaya ‘yung mga tagpong nagkukulitan at naglalambingan, natural na lumabas.

Ang sabi nga, dapat gawin din ng magdyodyowa ang ginawa nina Paolo at Alessandra, ang mag-out of the country para madiskubre hangga’t maaga ang kanya-kanyang ugali.

Maganda ang pelikula kaya ‘di nakapagtatakang binigyan ito ng Grade A ng Cinema Evaluation Board (CEB). Sulit din ang ibabayad ninyo sa mga sinehan dahil maganda talaga ang pelikula.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Estudyante ni Ogie Diaz, nag-ala Sarah Geronimo

Estudyante ni Ogie Diaz, nag-ala Sarah Geronimo

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Tom Rodriguez, Carla Abellana, Wedding Ring

Tom at Carla opisyal ng mag-asawa

I-FLEXni Jun Nardo OPISYAL ng mag-asawa sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Kahit makulimlim ang panahon, natuloy …

Ara Mina, Dave Almarinez

Ara suportado ang asawang si Dave Almarinez

I-FLEXni Jun Nardo ITINAYA ni Ara Mina ang pangalan niya na hindi magsisisi ang mamamayan sa lone …

Blind Item, Men

Male starlet pinagpasasaan ng sakrekwang kalalakihan

NAGULAT kami roon sa nakita namin sa aming newsfeed noong isang araw sa isang social media …

Tom Rodriguez, Carla Abellana, Wedding

Kasalang Tom & Carla napaka-pribado

HATAWANni Ed de Leon MAGKASAMA ang dating mag-asawang sina Rey PJ Abellana at Rea Reyes, sa paghahatid sa …

Mel Sarmiento, Kris Aquino

Kris Aquino inalok na ng kasal ni dating DILG Sec Mel Sarmiento

ni MARICRIS VALDEZ NAGULAT ang lahat sa bagong pasabog post ni  Kris Aquino sa kanyang Instagram, ito ay …

Leave a Reply