Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ikaw Lang Ang Iibigin, hindi binitiwan ng viewers

HINDI bumitaw ang viewers sa Ikaw Lang Ang Iibigin kahit ngayong araw na ang pagtatapos nito.

Gusto kasi nilang malaman kung ano ang gagawin nina Kim Chiu at Gerald Anderson na hindi sumuko ang puso sa pangarap at pag-ibig.

Ginamit nina Carlos (Jake Cuenca) at Isabel (Coleen Garcia) ang anak nina Bianca (Kim) at Gabriel (Gerald)  para makapaghiganti at bawiin ang lahat ng nararapat sa kanila.

Pagbabayaran na ni Carlos ang lahat ng kanyang kasalanan nang mabisto ang ugnayan niya sa mga sindikatong gustong patayin si Gabriel, pati na rin ang walang awang pagpatay niya kay Nanay Maila (Bing Loyzaga), ang ina ni Bianca, kasama ang ama niyang si Rigor (Daniel Fernando).

At dahil sa patong-patong na kaso, ‘di na nakawala si Carlos sa kanyang  pagkakakulong at habambuhay na pagdurusa sa selda. Ngunit hindi naging hadlang ang kulungan sa kanyang kasamaan dahil nakipagsabwatan ito sa asawang si Isabel upang dukutin ang anak ng mortal nilang kaaway para muling mapasakanila ang kayamanang dapat nilang nakuha.

Ito ang pinakamalaking hamon kina Bianca at Gabriel ngunit hindi sila sumukong mabawi ang kanilang anak at  gawin ang lahat para mailigtas ito nang magkasama.

Samantala, patuloy sa pangunguna ang Ikaw Lang ang Iibigin sa huling linggo nito.

Noong Lunes (Jan 22), nagkamit ang serye ng national TV rating na 18.9%, kompara sa katapat nitong The Lolas’ Beautiful Show na nakakuha lamang ng 6.3%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Mainit din ang pagtangkilik ng netizens sa teleserye sa pangunguna nito sa listahan ng trending topics sa Twittermatapos umani ng libo-libong tweets.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …