Thursday , December 19 2024
PANGIL ni Tracy Cabrera

After drugs, Illegal gambling isusunod na!

Gambling is legal and betting is legal, for what I bet. — Michael Jordan

PASAKALYE: Hindi dapat pagtalunan kung bayani nga ba o hindi ang yumaong Pangulong FERDINAND MARCOS. Kung dapat mang ilibing ang idolo ng Ilocandia, nararapat lang na sa Libingan ng mga Bayani dahil ito ay pagbibigay respeto lamang dahil naging pangulo siya ng ating bansa…

Opinyon lang po ito ng Pangil.

ISUSUNOD na ni Pangulong RODRIGO DUTERTE ang kampanya laban sa illegal gambling. Ito rin ay maituturing na salot sa ating lipunan dahil marami sa ating mga Pinoy ang nalululong sa bisyong pagsusugal.

Sino sa kanila ang nakahihiya?

BAKBAKAN ng kontra droga at protektor ng droga. Saan tayo kakampi d’yan? Saan kayo kakampi d’yan? Ang protektor ng droga may kabit pa na driver n’ya. Ha ha ha ha. Sino nakakahiya d’yan? — Juan po (09094818…, Agosto 20, 2016)

Handang magbitiw si DE LIMA

HANDANG magbitaw sa kanyang puwesto si Senadora Leila De Lima ‘yan ay kung mapapatunayan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paratang sa kanya sa pagkakadawit sa ilegal na droga. Matatandaang kinuwestiyon ni Duterte kung saan nagmula ang pondo na ginamit ni De Lima sa pagtakbo bilang senador sa nagdaang eleksiyon.

Mariin na itinanggi ng senadora ang akusasyon sa kanya na protektor at tumatanggap ng pera mula sa drug lords taliwas sa mga isyung lumalabas.

“Im willing to resign, I’m willing to be shot in front of the President kung may tunay… totoong ebidensiya, hindi sourced, hindi manufactured, hindi fabricated, hindi imbento,” pahayag ni De Lima matapos siyang makatanggap ng pambabatikos mula kay Duterte sa nakaraang talumpati sa Camp Crame. Ayon sa senadora ilang linggo matapos ang eleksiyon may natanggap siyang impormasyon na may nanghikayat sa mga bilanggo na isangkot siya sa drug trade.

Nauna ang senadora sa convicted bank robber na si Robert Colangco na sangkot sa ilegal na droga. Ito ay matapos halungkatin ni Solicitor General JOSE CALIDA ang mga unang retrato na lumabas sa media na dumalo si De Lima sa party ng convicted drug lord na si JAYBEE SEBASTIAN na ginanap umano sa kubol sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa.

Inamin ni De Lima, na siya ang nasa larawan na nag- viral sa social media, pero iginiit niya na si Quezon City Representative Alfred Vargas ang kasama niya at hindi ang drug lord na si Colangco. Pinayuhan ni De Lima si Calida na mas bigyan niya ng atensiyon ang 150 pahinang desisyon ng United Nations Arbitral Tribunal tungkol sa West Philippine Sea kaysa halungkatin ang mga nakaraang retrato.

Sa panahon nang si De Lima pa ang kalihim ng Department of Justice (DoJ) nadiskubre ang masagana at pasarap na buhay ng drug lords sa loob ng bilangguan habang patuloy ang operasyon ng ilegal na droga.

Dahil dito pinangunahan nina Speaker Pantaleon Alvarez at Majority Leader Rodolfo Fariñas ang mga mambabatas na bubuo sa House Resolution No. 105 na magpapatawag para sa imbestigasyon ng operasyon kaugnay sa drug syndicate sa Bilibid at upang matunton kung kanino dapat isisi sa justice officials na may pagkukulang o pagprotektang naganap kabilang si Di Lima. Nais ng House leaders na boluntaryong dumalo si De Lima sa congressional probe bilang dating kalihim ng DoJ.

Tunay nga na magulo at marumi ang mundo ng politika na gagawa at gagawa ng paraan ang mga nasasangkot upang litohin at mailihis ang pag-iisip ng mamamayan sa mga katiwalian ng mga taong nakaluklok sa gobyerno. Tumitindi ang mga akusasyon sa bawat partido at patuloy na dumarami ang nakikisali sa isyung ito. — Ann Klein D. Flores ng Bataan ([email protected], Agosto 23, 2016)

Kulungan at kamatayan

na lang

MAGANDANG araw po,

Nabubulgar na dito sa liderato ni Pres. DU30 ‘yang mga walanghiyang mga pulis, mga mayor, mga hukom, na baboy at iba pa, na mga sangkot sa mga krimen at kahayupan, harinawa ay masilip na rin ni Pres. Duterte ‘yong walang humpay na kahayupan ni mandarambong ERAP dito sa binaboy na lungsod ng Maynila, at talagang pinagnanakawan nang todo, ‘ika nga kulungan o kamatayan na lang talaga ang makapipigil sa mga kahayupan ni mandarambong ERAP ESTRADA! Thank you at mabuhay po kayo Ms. Pangil! Mabuhay ka, Pres. DU30! — Mr. Donald ng Tondo, Manila (09196654…, Agosto 8, 2016)

* * *

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na [email protected] o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 0939122568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL – Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *