Thursday , January 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Petersen Vargas Ang Mutya ng Section E

Direk Petersen na-excite sa pakikipagtrabaho sa mga bagets

HARD TALK
ni Pilar Mateo

KLASMEYTS, they are back!!! 

Ang pinaka-aabangang Viva One global hit series ay magbabalik na.

Handa na ba kayo sa Ang Mutya ng Section E: The Dark Side Season 2 na ‘to! 

Nagro-roll call na sila. Para matuklasan kung ano ang hatid ng bagong ikot ng istorya ng Mutya ng Section E.

Very excited ang kagagaling lang sa dinaluhang AIFFA 2025 (ASEAN International  Film Festival and Awards) sa Kuching, Sarawak, Malaysia na si Direk Petersen Vargas sa naging pakikipagtrabaho niya sa mga bagets ng palabas na patuloy gumagawa ng ingay.

Kung pwede ngang maisalin ito sa pelikula, Direk Petersen would be more than willing to do it.

Nakakuha ng Best Cinematography ang entry nito sa AIFFA 2025 na Some  Nights Feel Like Walkingna banyaga ang nagwaging Director of Photography (Russell Adam Morton) na nakipag-collaborate si direk.

Samantala, ihahain na nga ang sinasabing bolder at darker na kabanata ng Mutya..

Ang Book 2 na mas ma-emosyon. At mas magiging marubdob pa ang istorya ng pag-iibigan.

Kaya ngayong Disyembre sinisiguro ni direk Petersen na, hindi pa rin bibitiw ang may 315 million reads sa Wattpad na sumubaybay dito.

Tututok sa tambalang Andres Muhlach at Ashtine Olviga ang mga eksena. Kasali si Rabin Angeles.

Hahatiin sa dalawa ang 18 episodes (na sinimulan noong Nobyembre 26). At ngayong Kapaskuhan, ang full season nito ay matutunghayan sa Viva One sa ika-4 ng Disyembre. For its full season!

Mas maraming sorpresa  ang mabubuksan ngayon sa ibang klase namang himas na gagawin ni direk Petersen na naka-angkla sa sinimulan ni Direk Theodore Boborol.

With an award-winning director na nakipagtrabaho sa  bagong shining gems ng Viva like #AshDres, how could he go wrong!?

Kaya  nga kasama sa excitement niya na maging pelikula ito to be shared on the  big screen. Para sa mas malawak pang manonood here and abroad! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Breaking The Silence

Breaking The Silence napapanahong pelikula

DAPAT suportahan at panoorin ang pelikulang Breaking The Silence ni Direk Errol Ropero dahil bukod sa napakahusay ng mga …

Alden Richards

Dyowa target ni Alden ngayong 2026 

MATABILni John Fontanilla TARGET ng Kapuso actor na si Alden Richards ang pagkakaroon ngayong 2026 …

Joseph Marco Rhen Escaño

Rhen kinilig nang malamang crush ni Joseph 

ni Allan Sancon USAP-USAPAN ngayon  ang bagong pasabog ng Viva One matapos opisyal na ipakilala sa members ng …

Breaking The Silence cast

Breaking The Silence pelikulang bumabasag sa usaping mental health ng kabataan

ni Allan Sancon UMANI ng matinding atensyon ang pelikulang Breaking the Silence ni direk Errol Ropero dahil sa matapang …

Paolo Gumabao Spring In Prague Sara Sandeya 

Paolo nanginig buong katawan, nahirapan pang mag-Ingles dahil sa lamig

IPALALABAS na sa February 4 sa mga sinehan ang Spring In Prague na pinagbibidahan ni Paolo Gumabao. Nag-shoot …