MA at PA
ni Rommel Placente
NAKATUTUWA naman si Jarren Garcia. Mahal niya at binibigyan ng importansiya ang kanyang mga faney.
After ng performance niya, kasama ang ka-loveteam na si Kai Montinola sa katatapos lang na 37th Star Awards For TV with partnership sa BingoPlus, ay pinuntahan niya ang grupo ng isang fan club niya, na naghihintay sa kanya sa labas ng venue. Nagpa-picture siya sa mga ito.
At hindi lang ‘yun, nakipagkwentuhan at nakipagbiruan pa siya sa mga ito. Kaya naman sobrang saya ng mga faney ni Jarren.
Sabi ni May, na member ng fan club ni Jarren, “Laging may time si Jarren sa amin kaya talagang mahal na mahal namin siya. Hindi kami magsasawang suportahan siya.”
Sundot naman ng isa, “Gwapo na, mabait pa si Darren.”
In fairness, gwapo talaga si Jarren. Kaya ‘yung isang bading na kasama namin sa panulat, nang makita niya sa awards night ang singer-actor, sinabi niya sa amin, na lagi niya itong isusulat.
Gusto niya raw makilala at maging close si Jarren.
Talbog!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com