Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Las Piñas 43 senior citizens free pneumonia vaccine

Sa Las Piñas City
743 senior citizens tumanggap ng libreng pneumonia vaccine

NASA kabuuang 743 senior citizens ang nakatanggap ng libreng  pneumonia vaccines sa isinagawang  health drive na inorganisa ng Las Piñas City Health Office sa SM Center Las Piñas.

Pinangunahan ito ni Mayor April Aguilar bilang bahagi ng tuloy-tuloy na hakbang ng pamahalaang lungsod upang protektahan ang mga nakatatanda mula sa respiratory illnesses.

Binisita ni Mayor Aguilar ang venue at personal na kinumusta ang mga residente upang ipaabot ang kanyang pasasalamat sa kanilang partisipasyon at ihayag ang pangako ng lungsod na tiyakin ang accessible at preventive healthcare para sa lahat.

Dumalo sa vaccination drive si Dr. Juliana Gonzalez, pinuno ng CHO na personal na umagapay sa mga seniors at binigyang-diin ang kahalagahan ng bakuna sa pneumonia upang maiwasan ang mga komplikasyon sa mga nakatatanda lalo ang mga may problema sa kalusugan.

Para sa maayos at ligtas na proseso, hiniling sa mga magpapabakuna na magdala ng kanilang senior citizen’s ID, vaccination card (kung dati nang nabakunahan para sa pneumonia), at screening form mula sa kani-kanilang health centers.

Pinaalalahanan ng CHO ang mga residente na dapat ay nasa maayos na kondisyon ang kalusugan bago ang araw ng bakuna upang mapanatili ang limang taong pagitan buhat sa kanilang huling pneumonia shot, at kumain muna at magdala ng inuming tubig para maiwasan ang maaaring mga reaksiyon matapos mabakunahan.

Dahil sa mataas na bilang ng nabakunahan at patuloy na demand, magsasagawa ng ikalawang bugso ng libreng pneumonia vaccinations sa darating na Miyerkoles, 23 Hulyo na gaganapin sa Robinsons Las Piñas.

Ang mga senior citizen na nagnanais na lumahok ay inaabisohang bumisita sa kanilang health center para sa pre-screening at makakuha nang maaga ng kailangang mga dokumento upang maiwasan ang pagkaantala sa panahon ng pagpaparehistro. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …