NAIS itama ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang ilang maling akala at malisyosong paratang ng ilang sektor tungkol sa kanyang Senate Bill 396, o ang “Parents Welfare Act of 2025.”
Ani Lacson, bagama’t layunin ng panukala niya ang tiyaking susuportahan ang mga magulang sa oras ng pangangailangan, hindi kasama ang mga magulang na napatunayang nang-abuso, nanakit at nang-abandona ng anak.
“Abuse, abandonment or neglect by parents of their children are exempting circumstances. Under the proposed measure, walang obligasyon ang anak na magsuporta sa magulang na nang-abuso, nag-abandon at nagpabaya sa kanya,” ani Lacson.
Tinitiyak ng panukala na ang mga maaaring humiling ng suporta ay mga magulang na senior citizens o may karamdaman o permanently incapacitated at hindi na kayang suportahan ang sarili.
Ngunit sa Section 16 ng panukala ni Lacson, kung nadetermina ng korte na ang magulang na humingi ng suporta ay nang-abandona, nang-abuso o nagpabaya sa anak, maaaring ibasura ang kanilang petisyon o pababain ang halaga ng tulong.
Hindi maaaring bigyan ng pananagutan ang mga anak na walang kakayahang pinansiyal para tumulong.
Dagdag niya, iginiit ng Art. 195 ng Family Code ang obligasyon ng bawat miyembro ng pamilya na suportahan ang isa’t isa.
Ani Lacson, ikinonsidera na rin ng kanyang panukala ang ibang batas tulad ng RA 9262 o Violence Against Women and Children (VAWC) Law at iba pang batas na nagpoprotekta sa bata, asawa, at magulang laban sa pang-aabuso.
Ipinunto ni Lacson na hindi ipinapasa ng panukala niya ang tungkulin na sumuporta sa magulang mula sa gobyerno patungo sa mga anak.
Dagdag niya, ang panukala niya ay may probisyon para sa “Old Age Home” para sa may edad, maysakit o “incapacitated” na magulang sa mga probinsiya at highly urbanized city. Kaya ang bawat Old Age Home ang hindi bababa sa 50 magulang.
“(Taking care of the elderly members of society) is a shared responsibility of government and the children of said elderly. The care for the aged is neither an exclusively private matter to be left to the family nor an exclusively public concern best left to the overnment,” giit ni Lacson. (NIÑO ACLAN)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com