Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ogie Diaz Willie Revillame Phillip Salvador

Ogie Diaz bakit nga ba hindi ibinoto sina Ipe at Willie? 

MA at PA
ni Rommel Placente

NAIMBITAHAN ang talent manager at vlogger na si Ogie Diaz sa online show na Facts First Tonight with Christian Esguerra para pag-usapan ang nagdaang eleksiyon.

Dito ay inamin ni Ogie na hindi niya ibinoto ang mga kasamahan sa showbiz na sina Willie Revillame at Phillip Salvador sa pagka-senador.

Sabi ni Ogie, “‘Yung mga walang plano, ‘yung saka lang magpaplano o magkakaroon ng plataporma kapag nanalo na, binibigyan ko ng idea ang followers ko, na huwag iboto ‘yung mga walang plano, ‘yung mga masyado lang nagre-rely sa kasikatan nila,” sabi ni Ogie.

Kaya kahit kasamahan sa industriya ay hindi nga raw ibinoto ni Ogie sina Phillip at Willie.

Feeling niya rin naman ay walang magagawa sina Ipe at Willie kung magiging senador ang mga ito dahil ang senado raw ay gumagawa ng batas.

Sa kabilang banda, happy si Ogie na nakapasok sina Bam Aquino at Kiko Pangilinan sa pagka-sendor kasi sila raw ‘yung mga pinu-push niya talaga na manalo dahil alam niyang wala ang mga ito sa lumalabas na survey bago ang eleksiyon. At alam naman niyang maraming maipapasang batas ang mga ito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …