Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Frankie may panawagan sa lahat ng mayor sa Pilipinas

MA at PA
ni Rommel Placente

NAGPATAWAG ng mediacon ang mag-inang Roselle at Atty. Keith Monteverde para kay Kiko Pangilinan, bilang suporta nila rito, na tumatakbo bilang senador sa midterm election.

Kasama ni Kiko na dumating sa mediacon ang misis niyang si Sharon Cuneta.

Ayon kay Ms.Roselle, fan siya ni Sharon noon pa, at gusto niyang makatrabaho ang Megastar.

Sabi ni Roselle kay Sharon,“You know naman idol kita ever since, and you know, I’m a fan to this industry and I’ve been really wanting to work with you.”

Inamin din ni Ms. Roselle na itutuloy nila ng anak na si Atty. Keith ang naiwang legacy ng inang si Mother Lily at isa na nga ang pagsuporta sa mga kandidato na may magandang adbokasiya sa bayan kabilang na si Kiko.

Samantala, ipinost ni Sharon ang panawagan ng anak na si Frankie  sa lahat ng mayor sa Pilipinas.

Humihingi ng suporta si Frankie sa mga alkalde sa buong bansa na iboto ang kanyang amang si Kiko bilang senador ngayong darating na Lunes, Mayo 12.

Ang caption ni Sharon sa panawagan ni Frankie, “Our dearest Kakie paused from completing all her graduation requirements and wrote this heartfelt letter for all the mayors in our country to ask for their help for her Daddy.

“We are so blessed with the most loving, supportive children who are as devoted to us as we are to them! Thank you, Baba. We love you so very much.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …