Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Makati Taguig

EMBO gov’t owned facilities muling iginawad sa Taguig LGU
TRO laban sa Makati LGU desisyon ng RTC

NAGLABAS ang Taguig Regional Trial Court (RTC) ng  temporary restraining order (TRO) na nag-uutos sa pamahalaang lungsod ng Makati na agarang payagan ang lungsod ng Taguig na magamit at makontrol ang mga government-owned facilities sa lahat ng EMBO barangays.

Ang TRO ay inilabas nitong 5 Mayo batay sa utos ni Executive Judge Loralie Cruz Datahan ng RTC-Taguig, para ipatupad ang desisyon ng Supreme Court (final and executory) ukol sa G.R. No. 235316 na ang barangays Cembo, South Cembo, Comembo, East Rembo, West Rembo, Pembo (kasama ang Rizal), Pitogo, Post Proper Northside, at Post Proper Southside na kilala bilang EMBOs ay bahagi ng territorial jurisdiction ng Taguig.

Sinabi rin sa TRO na ipinagbabawal sa Makati at mga tauhan nito na pigilan ang Taguig makapasok at magamit ang naturang mga pasilidad na matatagpuan sa mga EMBO barangays para sa full at exclusive possession at operasyon ng mga nasabing pampublikong gusali.

Kabilang sa mga pasilidad na tinutukoy sa TRO ay ang mga ipinasarang  health centers, covered courts, multi-purpose buildings, daycare centers, parks, at iba pang government properties na maituturing na  pampubliko sa ilalim ng Proclamation Nos. 518 at 1916.

Sa kabila ng pinal na desisyon ng Korte Suprema noong 2022 ay tumanggi pa rin ang Makati na payagan ang Taguig na patakbuhin o pamunuan ang mga naturang public facilities at ipinasara ang mga health centers at daycare centers kung kaya’t nabigo ang mga mamamayan ng EMBO barangays  na makatanggap ng essential basic services.

“The court found that Taguig has sufficiently established extreme urgency for the present application, and that it stands to suffer grave injustice and irreparable injury without the injunctive relief prayer for,” bahagi ng desisyon ng Korte. 

Samantala nagpapasalamat si Taguig City Mayor Lani Cayetano sa naging kautusan ng Korte dahil hangad ng lungsod na tiyaking lahat ng mamamayan ng Embo barangays ay makatatanggap nang maayos na serbisyo mula sa pamahalaan.

“Malaking tagumpay ito para sa mga taga-EMBO. Ngayong nasa Taguig na ang pamamahala ng lahat ng pasilidad na ito, titiyakin nating bukas at ganap na mapapakinabangan ng mga taga-EMBO — hindi isasara, hindi haharangan, kundi pagbubuksan para sa serbisyong noon pa man ay dapat nilang napapakinabangan,” ani Cayetano. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …