“More than just a concert; it’s a musical journey that spans genres and generations.” Ayon ito sa ipinadalang press release ukol sa sinasabing pinakamalaki at most unforgettable celebration ng OPM, ang once in a lifetime opportunity na muling bisitahin ang walang hanggang mga hit at tumuklas ng bagong musika. At ito’y magaganap sa Eraserheads: Electric Fun Music Festival sa May 31, 2025, Linggo, sa SMDC Festival Grounds.
Pinagsama-sama ang mga batikang mang-aawit na humubog sa industriya at mga gagawa pa lamang ng kanilang marka sa Eraserheads: Electric Fun Music Festival kaya tiyak na pinakamaganda at hindi malilimutang selebrasyon ng OPM ang matutunghayan.
Kaya sa Eraserheads: Electric Fun Music Festival ay higit pa sa isang konsiyerto ang magaganap. kaya kung ikaw ay isang tagahanga ng rock, indie, pop, at alternatibong musika, o kahit na psychedelia–tiyak na mae-enjoy mo ang festival na ito.
Makakasama ng EHeads sa kanilang festival ang mga OPM veterans tulad nina Basti Artadi, Dong Abay Music Organization, Imago, Moonstar88, at The Itchyworms na matagal-tagal na ring nagbibigay ng magagandang musika. Ang mga batikang performer na ito ay nagdadala hindi lamang ng kanilang mga hit sa chart-topping kundi pati na rin ng mga taon ng karanasan at passion na nagbigay sa kanila ng kanilang lugar sa kasaysayan ng musika. Ipagdiriwang din ng kaganapan ang pagbabalik ni Heneral Luna sa entablado ng konsiyerto.
Magpapakitang-gilas din ang Blaster and Carousel Casualties, gayundn ang mga artist na sina Alyson, Party Pace, Pinkmen, at Sa Vie, na gumagawa na rin ng pangalan sa local music scene.
Hindi tulad ng mga tipikal na pagdiriwang ng musika na ang lahat ng banda ay nagtatanghal ng mga pinaikling set, sa Electric Fun Music Festival, ang Eraserheads ay maghahatid ng isang buong set ng konsiyerto kaya naman magbibigay ito sa mga tagahanga ng kompletong karanasang tiyak na ikasisiya ng mga manonood.
Kaya naman ngayon pa lang ay kumuha na kayo ng inyong mga tiket para sa SVIP at VIP tickets dahil makakukuha kayo ng special perks tulad ng exclusive Soundcheck Experience, at Air Conditioned Tent. Magkakaroon ng kalayaan ang mga may hawak ng SVIP ticket na i-explore ang lahat ng seksyon ng lugar ng festival. Ang naka-air condition na tent ay kayang maglaman ng 200 tao, 30 minuto bawat batch.
Kaya ‘wag palagpain ang musical event of the year. Early-bird tickets are exclusively available sa PalawanPay. May 5% discount kapag bumili ng mas maaga, simula March 29 hanggang April 16.