Friday , April 4 2025
Cynthia Villar

Villar nagtaboy ng malas
Banal na Misa ipinagdiwang sa simula ng congressional bid

SINIMULAN ni Senadora Cynthia Villar ang kanyang kicked off campaign period kasama ang iba pang local candidates na kasama sa kanyang team

sa pamamagitan ng pagdiriwang ng isang Banal na Misa sa San Ezekel Moreno Church sa Las Piñas City.

               Ilang netizens ang nagsabing, tila nagpapagpag ng malas si Villar sa unang araw ng kanyang kampanya.

Tiniyak ni Villar, tumatakbong kongresista sa ilalim ng Nacionalista Party na sesentro ang kanyang kampanya sa prinsipyo at adbokasiya.

Bilang isang senador na tumanggap ng maraming parangal at pagkilala sa public service ay tiniyak na kanyang ipagpapatuloy ang adbokasiya sa agrikultura at kalikasan kasabay ng pagsuporta sa mga kababayan sa pamamagitan ng livelihood projects, infrastructure development, housing, at environmental protection partikular ang usapin ng pagbaha.

“I must continue the local projects I initiated when I first became congresswoman of Las Piñas and later as Senator, and introduce more programs to support my fellow Las Piñeros,” ani Villar.

Binigyang-linaw ni Villar na ang pagbibigay ng serbisyo publiko ay isang responsibilidad at hindi pribelehiyo.

“We need local leaders who prioritize the welfare of our communities,” dagdag ni Villar.

Ang pagtakbo ni Villar bilang kongresista ng lungsod ay isang pamamaraan upang kilalanin ang legasiya ng kanyang ama sa maraming taong kanyang pagsisilbi sa lungsod. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

NAITAS DOT magkaakibat para sa Takbo Para Sa Turismo

NAITAS, DOT magkaakibat para sa “Takbo Para Sa Turismo”

ANG National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) at ang Department of Tourism (DOT) ay …