Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Proclamation rally sa Taguig City Team TLC sa Taguig dinagsa ng 10,000+ mamamayan mula sa 38 barangays kasama EMBO

Proclamation rally sa Taguig City
Team TLC sa Taguig dinagsa ng 10,000+ mamamayan mula sa 38 barangays kasama EMBO

DINAGSA ng mahigit sa 10,000 mamamayan mula sa 38 barangay ng lungsod ng Taguig  kasama ang 10 EMBO barangays ang proclamation rally na isinagawa ng Team  Lani Cayetano (TLC) sa Arca South.

Hindi mapigil ang hiyawan at sigawan ng mga sumaksi sa pagdiriwang sa bawat pagpapakilala at pagsasalita ng bawat kandidato ng Team TLC.

Kasama ni re-electionist Mayor Lani Cayetano sina re-electionist Vice Mayor Arvin Arlit, Liga President Jorge Bocobo na tatakbong kongresista para sa Distrito 2 ng Taguig at si re-electionist Congressman Ading Cruz , Jr.

Kasama sa Team TLC ang mga konsehal mula sa Distrito 1 na sina Kim Abbang, Raul Aquino, Allan Cruz, Sammy Cruz, Abogado Darwin Icay, Jimmy Labampa, Totong Manosca, Tikboy Marcelino, Carlito Ogalinola, Atty. Joy Panga-Cruz, Gamie San Pedro, at Ferdie “Bro” Santos.

Samantala, para naman sa Distrito 2 ay sina Konsehal Marise Balina-Eron, Edgar Baptista, Gigi Bermas, Danny Castro, Iony De Lara-Bes, Ivie Dizon, Gen Pau-Tin, Alex Penolio, Ed Prado, Jomil Serna, Nicky Supan, at Bing Villamor.

Pakiusap ni Mayor Cayetano sa bawat dumalo at sa lahat ng Taguigeño na tulungan siyang ipanalo ang kanyang buong team dahil lahat sila ay katuwang niya sa pagpapatuloy sa paghahatid at pagbibigay ng serbisyo sa bawat Taguigeño.

Tiniyak ni Cayetano na kung marami na silang nagawa sa mga nakalipas na panahon ay tiyak na mas marami pa silang magagawa pa sa lungsod at para sa mga mamamayan nito para sa patuloy na pag-unlad ng kabuhayan ng bawat pamilyang Taguigeño.

Lubos ang pasasalamat ni Cayetano sa bawat Taguigeño na nagtiwala, naniniwala at sumuporta sa kanya upang higit niyang magawang maihatid sa bawat mamamayan ang serbisyong kailangan nila.

Pinasalamatan din ni Cayetano ang lahat ng opisyal ng Taguig kabilang na ang mga barangay captain, SK chairman at mga kagawad, mga konsehal, lingkod bayan at mga lider sa nasyonal  sa suportang ibinibigay sa kanyang administrasyon. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …