MA at PA
ni Rommel Placente
SA unang sabak palang sa politika ni Arjo Atayde three years ago, na tumakbo bilang congressman ng unang distrito ng Quezon City, wagi agad siya.
Paano kasi, ramdam ng kanyang constituents na magiging mabuti siyang congressman, at sincere sa kanyang mga pangako na magagandang proyekto ang gagawin sa nasabing distrito. At ayun nga, nang maupo bilang congressman ay tinupad niya ang kanyang mga pangako.
Marami siyang nagawang proyekto sa kanyang distrito.
Sa kanyang State of the District Address (SODA) na ginanap sa SM North EDSA Skydome noong Lunes ng hapon, emosyonal si Cong. Arjo.
Ang dami niyang pinasalamatan na bagama’t first timer aniya siya sa politika, hindi siya nahirapan dahil sa suporta ng kanyang pamilya, lalo na ang mga magulang niyang sina Art Atayde at Sylvia Sanchez, ang kanyang mga kapatid, misis niyang si Maine Mendoza at ni Mayor Joy Belmonte na nagme-mentor sa kanya.
Bahagi rin ng kanyang SODA ang legislative highlights umpisa nang umupo siya sa kongreso. Kabilang dito ang 46 Republic Acts, 65 House Bills as co-author, 174 House Bills as Principal Author and 78 House Resolutions.
Binigyang diin din niya sa privilege speech ang lumalalang problema ng baha sa kanyang distrito na kailangan aniya ng suporta ng national government.
Pero ang isang standout project sa kanyang Aksyon Agad na mga proyekto ay ang Kusina on Wheels, na isang mobile feeding initiative na may free meals sa 37 barangays.