Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ara Mina Sarah Discaya Piolo Pascual

Piolo nag-alok ng suporta sa kandidatura ni Ara

MA at PA
ni Rommel Placente

TATLONG buwan din palang pinag-isipan at humingi ng signs kay Lord si Ara Mina, bago nakapagdesisyon na tanggapin ang alok sa kanya ng  negosyante at mayoralty candidate sa Pasig City na si Sarah Discaya para tumakbong konsehal sa District 2 ng nasabing siyudad.

Nagkakilala sina Ara at Ate Sarah sa isang medical mission ng foundation ng huli. At dahil pareho ang advocacy nila na women empowerment, at pagbibigay-halaga sa mga PWD,  nagkasundo sila.

At kung bakit sa Pasig si Ara tatakbong konsehal ay dahil tagaroon ito talaga. May bahay  ang kanyang mommy Venus Imperial at doon lumaki.

Ipinagmamalaki nga ng mommy ni Ara na nakuha ang titulo noon bilang Mutya ng Pasig. At naging artista rin pala ito. 

Nakatrabaho ng kanyang mommy noon si dating presidente Joseph Estrada at ang tinaguriang Action King, ang namayapang si Fernando Poe Jr..

Sakaling manalo bilang konsehal si Ara, posibleng bumili na rin sila ng bahay sa Pasig ng asawang si Dave Almarinez para manirahan ng permanente.

Ipinakilala ni Ara sa entertainment press ang kanyang “Ate Sarah” na first time papasok sa politika dahil construction business talaga ang linya nito.

At dahil pareho nga silang gustong makatulong pa sa maraming kababayan nila, hayun at papasukin na rin nila ang politika.

Samantala, natuwa si Ara na nag-offer ng suporta sa kanyang kandidatura si Piolo Pascual.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …