Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alden Richards Maine Mendoza Allan K Jose Manalo

Alden dumalo sa 30th birthday party ni Maine

WALANG awkwardness kaming napansin sa mga video at mga picture nina Maine MendozaArjo Atayde, at Alden Richards na ipinost ng ilan sa mga dumalo sa birthday party.

Bagama’t wala pa kaming nakikitang picture na magkasama sina Maine, Arjo, at Alden, ang pagdalo ng huli sa kaarawan ng una ay nangangahulugang okey sila at magkakaibigan.

Spotted nga si Alden sa 30th birthday ni Maine na naganap noong March 3 sa Uma Nota Manila sa BGC, Taguig.

Bukod kay Alden, dinaluhan din ng malalapit na kaibigan ni Maine ang kanyang 30th birthday. Naroon ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna, Tito Sen, Jose ManaloAllan KOyo Sotto at Kristine Hermosa, Ciara Sotto, Maja Salvador at marami pang iba.

Hindi nakadalo sa birthday celebration ni Maine ang isa pang original Dabarkads na si Joey de Leon. Subalit nagpadala iyon ng regalo kay Maine.

Ibinahagi ni Joey ang kanyang regalo sa kanyang Instagram account. Isa iyong painting ng clown. Caption ni Joey, “This is my gift to the Birthday Girl Maine — a self portrait with a touch of Yaya Dub (polka dots).

“Thanks Menggay for the happy and funny ten years as a Dabarkads!”

Sagot ni maine, “Thank you, Boss Joey! Love you.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …