PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
INI-REPRESENT namin kamakailan ang ating dearest idol friend kumare Star For All Seasons Vilma Santos sa Plaridel Reception sa UP Diliman last February 20.
Inilunsad ang Plaridel Journal na nagsisilbing tulay para sa mga nais maging updated sa mga usaping Communication, Media, at Society.
At dahil Gawad Plaridel awardee na si ate Vi, along with other 15 recipients since ma-establish ang award noong 2004, inimbitahan siya bilang isa sa mga pangunahing bisita sa event.
At dahil kausap din namin the previous day ang award-winning broadcast journalist friend nating si Jessica Soho, pinakisuyuan niya kaming magpa-abot ng kanyang pasasalamat at pagbati sa mga opisyal ng UP College of Media and Communication (dating Masscom) at mga organizer ng event.
Ang ilan pa sa mga nakasama ko sa table na mga awardee na present sa okasyon ay sina National Artist Kidlat Tahimik (2009), Jose “Pete” Lacaba (2013), Cecilia “Cheche” Lazaro (2007), at Boni Ilagan(2019).
Si Vilma ang kauna-unahang taga-film industry na ginawaran nito noong 2005, sumunod sa pinaka-unang recipient nitong si Eugenia Apostol (PDI Publisher) para sa Journalism noong 2004.
Ang ilan pa sa mga nagawaran na ng UP Gawad Plaridel honors ay sina Fidela “Tiya Dely” Magpayo+ (2006-Radio), Pachico Seares (2008-Community Radio), Eloisa Cruz-Canlas+ (2011-Radio, naging program host kami sa naturang pagpaparangal kay Mam Eloi), Rosa Rosal (2012-TV), Nora Aunor (2014- Film, Music and TV), Ricardo “Ricky” Lee (2015-Film), Francisca “Babes” Custodio (2016-Radio), Tina Monzon-Palma (2017-TV), Jessica Soho (2018-Journalism), at Manuel “Mr. Shooli” Urbano (2023- TV-Film).
Ang amin pong pasasalamat kina UPCMC Dean Ernan Paragas, Prof. Nick Tiongson, sa aming mga mahal na prof/friends Gigi Alfonso, Danny Arao at sa lahat ng naging punong abala.