Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
JV Bautista Ariel Querubin Mison

Party-list system ‘corrupted’ na — JV Bautista

022425 Hataw Frontpage

ni NIÑO ACLAN

DESMAYADO si United Nationalist Alliance (UNA) Secretary General JV Bautista dahil taliwas sa layunin at intensiyon na itinatadhana ng Saligang Batas ang nangyayari sa party-list system sa kasalukuyan.

Ginawa ni Bautista ay kanyang pahayag sa kanyang pagdalo sa The Agenda Forum sa Club Filipino sa San Juan City kasama si Ret. Col Ariel Querubin.

Ayon kay Bautista, maliwanag ang naging desisyon ng Korte Suprema noong 2023 na nagbigay ng ruling na ang party-list system ay hindi lamang para sa marginalized at underrepresented kung kaya’t naging daan upang upang makapasok lahat ng mga bilyonaryo na gustong pumasok sa kongreso sa pamamagitan ng ‘backdoor’ o sa pamamagitan ng party-list.

Kaya, aniya, huwag magtataka kung bakit corrupted na rin ang party-list na hindi nangyari noong panahon nila. Klaro noong una ang intensiyon ng Konstitusyon at mga gumawa ng naturang batas.

Iginiit ni Bautista, huwag nang magtaka kung bakit maraming ‘clown’ sa ating kongreso dahil sa maling sistema ng pagpili sa ating mga lider.

Bagay na sinang-ayunan ni  Querubin na aniya’y dapat tayong matuto at mamulat sa katotohanan sa pagpili ng ating mga lider.

Naniniwala sina Bautista at Querubin na panahon na upang gumising sa katotohanan ang mga Filipino na matutong kilatisin at isulat sa balota ang karapat-dapat maglingkod sa bayan.

Iginiit nina Bautista at Querubin, huwag asahan ng taong bayan ang pag-asang tutuparin ng mga tatakbo ang kanilang pangako dahil ang katotohanan kapag nanalo ay hindi mangyayari. Kaya’t mas dapat isipin at ihalal ng bawat mamamayan ang taong makatutulong upang magbago at maging maayos ang pamumuhay ng bawat Filipino.

Samantala, sa ng pagdiriwang ng EDSA People Power, naniniwala sina Bautista at Querubin na bagamat maluwag na naipapahayag ang ating naisin hindi naman ganap na malaya ang bansa at mga mamamayan mula sa kahirapan, gutom, kawalan ng trabaho, at mataas na presyo ng mga bilihin. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …