Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Francis Tol Tolentino

Tolentino tiwala  sa suporta ng mga alkalde para muling makabalik sa Senado

TIWALA si re-electionist Senate Majority Floor Leader Francis “Tol” Tolentino sa suporta ng mga alkalde sa kanyang kandidatura upang muling makabalik sa senado.

Ito ay matapos niyang dumalo sa general assembly ng League of Municipalities of the Philippines na ginanap sa Manila Hotel.

Aminado si Tolentino na marami sa mga miyembro ng liga ay pawang mga kaibigan niya kung kaya’t alam niyang may sumusuporta sa kanya para sa panibagong laban upang muling mahalal sa senado.

Ngunit batid ni Tolentino na hindi lahat ay kanyang aasahan pero nanalig siyang magbabago ang mga isipan nito para siya ay ikampanya sa kani-kanilang mga nasasakupang munisipalidad.

Si Tolentino ay minsan nang naging Pangulo ng liga kung kaya’t batid niya ang hirap na mamuno sa 1,100 mga alkalde na nagparehistro sa naturang pagtitipon.

Bukod sa liga ay nauna nang ipinagmalaki ni Tolentino ang kanyang mga naiambag na  mga batas para makatulong sa mga mamamayang Filipino.

Samantala, tinukoy ni Tolentino na isa sa dahilan ng kanyang pagsapi sa Alyansa ay dahil nagkakaisa sila ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa pananaw ukol sa West Philippine Sea (WPS).

Suportadovni Tolentino ang isinasagawa ng kasalukuyang administrasyon na joint exercises noong nakaraang linggo kasama ang US, Japan, Australia, at Filipinas para sa paninindigan sa ating soberanya.

Patunay dito ang pagiging batas ng Philippine Maritime Zones Act at Philippine Archipelagic Sea Lanes Act na napapakinabangan na ngayon sa isyu sa WPS. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …