Friday , May 16 2025
Bong Revilla Jr

Revilla dinumog ng Pasayeños sa kanyang night motorcade

KAHIT gabi at madilim, hindi naging hadlang upang mainit na salubungin at dumugin ng mga Pasayeños ang night motorcade ni re-electionist Ramon “Bong” Revilla, Jr., sa ilang bahagi ng lungsod ng Pasay.

Dahil dito, hindi binigo ni Revilla ang mga Pasayeños at tagasuporta  na naghihintay sa kanya.

Nagkaroon ng pagka-delay sa pagsisimula ng motorcade nang maipit si Revilla sa kanyang pagdalo sa League of Municipalities of the Philippines (LMP).

Lubos na nagpapasalamat si Revilla sa taong bayan sa mainit na pagsalubong sa kanya saan man siyangvdako ng bansa magtungo.

Kasama ni Revilla sa night motorcade ang kanyang kabiyak na si Cavite Rep. Lani Mercado.

Bukod sa taong bayan ay nagpapasalamat din si Revilla sa suportang ipinakita sa kanya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., para sa pagbuo ng isang alyansa para sa Bagong Pilipinas na naglalayon ng pagkakaisa.

Tiniyak ni Revilla sa publiko na sa sandaling siya ay muling pagkatiwalaan ng taong bayan na makabalik sa senado ay doble-dobleng aksiyon ang ipagkakaloob ng kanyang tanggapan sa lahat ng mga mamamayan.

Seneguro ni Revilla na mas lalo siyang gagawa ng mga batas na higit na makatutulong para sa mga mamamayan at sa bayan.

Samantala handa si  Revilla na maging hurado sa gagawing impeachmen trial laban kay Vice President Sara Duterte kung mangyari man ito at muli siyang mahalal na senador.

Ngunit tikom ang bibig ni Revilla na magbigay ng komento ukol dito lalo na’t siya ay uupong hukom.

Handang sumunod at irespesto ni Revilla ang mga desisyon ng mayorya sa senado.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …

DOST 2 ISU-BIRDC

Driving Digital Transformation: DOST 2, ISU-BIRDC Strengthen SETUP MSMEs Through Digital Skills

THE Department of Science and Technology (DOST) Region 02, in collaboration with Isabela State University …

DOST Starbooks FEAT

DOST Region 1 Turns Over STARBOOKS to 5 Underserved Schools in Ceremonial Event

SUDIPEN, LA UNION – The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), …

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …